"Valentina, come down here! It's already lunch time!"
A few days have passed. No communication with my friends and classmates. Even with Tita Ginnie. I lost my phone. Havier advised me that I should avoid contacting other people for a while. I'm focusing on my fast recovery.
Nasa corridor lang ako ng second floor. Wala akong magawa kanina kaya nagbasa na lang ako ng aklat.
"After you eat, drink your medicine."
Tumango ako sa kaniya at saka kumuha ng pagkain. He found out that I'm having a suicidal and depression. He got mad at me pero hindi rin iyon nagtagal. Dinala niya ako kaagad sa isang psychiatrist. Ang daming tinanong sa akin, at kung anu-anong test ang ginawa. Hindi ko na halos matandaan kung ano ang ginawa sa akin.
"Wanna go out somewhere?"
"P'wede ba tayong pumunta kay Gabrielle? Gusto ko siyang dalawin."
"Sure.."
Nakita kong lumapit si Manang Lucy sa amin at inabot ang telepono. Kinuha naman iyon ni Havier.
"Who's this?" he asked. "Oh! Good afternoon, Mrs. Aeñoso."
Umangat ang kilay ko habang nakikinig kay Havier.
"Ah, okay. Sure, no problem! I will bring her there. Yes, after lunch."
Binaba niya ang telepono 'tsaka tumingin sa akin. "Mrs. Aeñoso, wants to see you. Nakiusap siyang dalhin kita sa kanila ngayon."
"Okay."
Ilang araw na rin naman ang lumipas. Nag-aalala masyado si Tita Ginnie. Kahit naman galit iyon sa akin, hindi niya matitiis na magtanim ng sama ng loob. Araw-araw itong tumatawag kay Havier. Kinakamusta ang kalagayan ko. Binilin ko kay Havier na huwag sabihin ang pagtake ko ng medicines for anti-depression.
Si Kuya Teo ang nagmaneho para sa amin. Walang traffic kaya nakarating kami kaagad sa mansyon ng mga Aeñoso. Bumaba kaming pareho ni Havier ng sasakyan. Nang makilala ako ng guard, mabilis niya kaming pinapasok ng pinsan ko.
Nagdala si Havier ng fruits, pizza and a bunch of flowers for Tita Ginnie.
Sumalubong si Aling Esme sa living area. Pinaupo niya muna kami habang tinatawag niya si Tita Ginnie.
"Ilang years kang naninirahan dito?" tanong ni Havier.
"Three years, tapos nangupahan na ako nung magkaroon na ako ng trabaho."
"Pumayag siya?"
"Nung una, hindi syempre. Tinulungan lang ako ni Gabrielle na pilitin siyang pumayag. Sinabi namin na may kasama naman ako. Which are Jahm and Jorj."
Napatingin ako sa hagdan nang may marinig na tunog ng takong. Pababa na ngayon si Tita Ginnie. Pareho kaming tumayo ni Havier at sinalubong siya.
Mabilis na nanggilid ang luha ni Tita Ginnie at sinalubong ako ng mainit na yakap.
"I miss you," she said. Mas humigpit pa ang yakap niya. "I really miss you, Sane.."
"I miss you too, Tita..."
Siya na ang unang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ginulo nito ang buhok ko.
"How are you?"
"I'm doing good, Tita."
"Good to hear that," nilingon niya si Havier. "Thank you, hijo, for bringing my Sane here."
"No worries, Mrs. Aeñoso. By the way, I have flowers for you."
"Thank you, nag-abala ka ba, hijo."
"Hindi naman po, kulang pa nga po 'yan kumpara sa pagkupkop niyo sa pinsan ko."
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...