OHNE KARL DUERO
“What?! She's in jail right now?! What the fuck is happening?!”
According to my mother, tatlong araw akong walang malay. Pagkagising na pagkagising ko ay inurirat ko ang mga tao sa aking paligid kung ano ang nangyari nung gabing iyon. Wala na akong maalala pa bukod doon sa huling sinilid ako ni Ariess sa kabaong!
“Dumating ang tatay ni Barakuda,” ani Asher. “Hindi lang siya, buong pamilya kamo ng Beindz tapos nandoon nga 'yung lalaking kamukha rin ni Rosane. Gagi, triplets pala sila! Inang 'yan, dami kong kapatid!”
Aven sighed. “They came with the Philippines National Police. Hinuli ng mga awtoridad si Mrs. Alegre, Ariess Sander Arcon, at ang mga grupo ni Inspector Colima dahil hindi sila umayon sa plano. Pinili nilang kumampi kay Lola—I mean kay Mrs. Alegre.”
“How about Rosane?”
“In jail.”
“What?! Why?!”
“To make story short, malinaw at matibay pa rin ang ebidensyang laban kay Rosane. May video'ng sinaksak niya ang pinsan mo sa leeg.”
“Hindi siya iyon, hindi niya magagawa iyon, Aven.”
That's not her! That's not fucking her!
I went to the Police Station just to see her but she's in a private room. Bawal siyang kausapin ninuman, tanging pamilya niya lamang ang maaari.
“Hijo, hindi nga p'wede. Pamilya niya lamang ang maaari niyang kausapin! Kaano-ano ka ba niya?”
I scratched my cheeks. “Asawa, Chief!”
“Ano, hijo? Disi-syiete pa lang ang batang 'yon! Huwag mo akong pinagloloko!”
Wala na akong alas, tanging itong singsing na lamang ang maaari kong gamitin para makita siya at makausap.
“Chief, I'm married to her. See this ring?” Inangat ko ang kaliwang kamay ko. “Wedding ring namin 'to. Check mo pa ang kamay ng misis ko!”
“Hoy, bata! Lumang tugtugin 'yan.”
“Chief, kasal na nga po ako sa kaniya. Papasukin niyo na po ako, please. Miss na miss ko na po ang asawa ko. Ilang araw na po akong nangungulila sa kaniya at ako'y lumbay na lumbay. Ang aking puso ay dinudurog-durog sa araw-araw kakaisip sa kaniya kung nakakatulog pa ba siya—”
“Manahimik ka na. Maghintay ka riyan sa labas at ipapaalam ko sa misis mong nandito ka.”
I can't wait to see her. Marami akong ikwe-kwento siya, may pag-asa pa siyang makalabas at mapawalang sala. Kailangan lang umamin ng kakambal niya.
“Malinaw na sa akin ang lahat kung bakit hindi ako pinagtutuunan ng pansin ni Papa, noon. Kung maaga ko lang nalaman, siguro mas hinabaan ko pa ang pasensya ko at pag-iintindi sa lahat ng nangyayari. Papa never abandoned me. He's always there, watching me from afar. Siya ang rason kung bakit nakatakas ako sa mga kamay ng mga abusadong iyon. Bago pa man makarating si Gabrielle sa mansyon, nailigpit pa ni Papa ang dalawang matanda. Katu-tulong niya si Tito Hector at Tita Herrah. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan nilang itago ang katotohanan sa akin kung gayong nakita ko naman ang lahat…” Rosane said while crying. “Hindi ko rin alam kung bakit may mga nawala akong alaala. Hindi ko na matandaan kung paano ako nahiwalay kay Ate Rory at Zenric. May imahe lang lumilitaw sa isip ko na nakahandusay ang dalawa sa kalsada at walang buhay. Iyong lola at lolo kong umabuso sa akin noon? They were already in the prison, six years ago. T-They weren't my grandparents. Nagpanggap lang sila, na-kidnap kaming triplets at sila ang may hawak sa amin. Katiting na lamang ang mga naaalala ko at malabo na pero alam kong iba ang umaabuso sa akin.Hindi si Fier at Mercedes iyon. Ginamit lamang nila ang mga personalidad ng lolo at lola ko. I really didn't know why they acted like they were abused me. Magagaling talaga silang umakto. Nagmukha pa rin akong tanga sa lahat. Niloko pa rin nila ako. Kung hindi naman pala sila ang nanakit sa akin noon, bakit hindi nila ako trinato ng mabuti? Bakit kailangang magsinungaling silang lahat?”
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...