70

4 0 0
                                    

“Ang kulit mo, Ohne!”

Makailang beses kong pinapaliwanag sa kaniya na ayos lang ako at hindi naman malala ang natamo kong mga sugat. Mababaw lang naman iyon at malayong-malayo sa bituka. Hindi ako mamamatay nito.

“I’m still not convinced,” mahinang aniya. “I need to bring you to the hospital. Your wounds need to be examined—”

“Okay nga lang ako, Ohne! Okay pa sa okay, okay?” umikot ang mga mata ko nang mapansing hindi pa rin siya satisfied. Napabuntong hininga ako. “’Wag ka nang mag-alala, p’re!”

“P’re?”

“Pare!”

“Damn it!”

Mahina akong natawa nang makita ang reaksyon niya. Mukhang ayaw niyang tinatawag siyang pare.

“Bumalik ka na ro’n sa trabaho mo,” mahinang saad ko. “Baka kailangan ka na ro’n.”

“Macky checked the CCTV camera in the kitchen. Vincent intentionally pushed you.”

Muling sumibol ang galit sa mga mata niya. Nakita ko pang magkuyom siya ng palad at pati sa akin ay naging matalim ang tingin niya.

“Why did he push you? What’s wrong with that jerk?”

Kung hindi pumagitna si Macky para umawat, baka nang pang-abot si Vincent at Ohne. Nag-aapoy ang mga mata ni Ohne kanina, gustong-gusto niya na talagang saktan si Vincent ngunit dumating si Ma’am Fatima at si Sir Karlson gaya medyo kumalma ang apo nilang bugnutin.

May nurse na naligaw dito kanina kaya siya ang nagboluntaryong gamutin ang mga sugat ko. Mababaw lang na bumaon ang mga butil ng bubog sa balat ko kaya hindi ito naging mahirap para kunin. Ito lang si Ohne ang hindi mapakali at gusto pa akong dalhin sa ospital.

Medyo nakakahiya kay Sir Karlson at Ma’am Fatima. Nagkagulo nang dahil sa pagiging lutang ko sa trabaho. Pero hiyang-hiya talaga ako ngayon, nagalit itong si Ohne sa kitchen area at marami pa ang nakakita. Pupusta akong pinag-uusapan nila kami ngayon.

“Hayaan mong ako ang makipag-usap sa kaniya,” saad ko. “Mukhang may problema ang isang ‘yon sa ‘kin.”

“I’m gonna fire him, woman.”

“Hindi mo kailangang gawin ‘yan.”

“He hurts you,” he uttered. “And I don’t like that shit!”

Umiling ako. “Hindi mo siya kailangang tanggalin, Ohne. Pakinggan muna natin kung ano ang dahilan niya kung bakit niya nagawang itulak ako.”

He heavily sighed. Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang kaniyang mga mata.

“Ohne…” mahinang pagtawag ko sa kaniyang pangalan.

“Hmm?”

Naglapat ako ng labi. I don’t want to hurt his feelings but I need to say this to him.

I swallowed hard.

“I don’t need you to take care of me anymore. It’s not your job. It never was…”

Unti-unti siyang napamulat. Dumiretsong tumama ang tingin niya sa akin kaya nagbaba ako ng tingin.

“I’m sorry, what did you say?”

His voice broke. Pinanatili niya lang tunog matapang pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagbasag nito.

“I don’t need you to take care of me anymore, Ohne,” blankong ekspresyon ang pinakita ko. “It’s not your job… It never was…”

He stared at me with blank expression. But his eyes can’t lie to me. Sabihin mang wala siyang pinapakitang emosyon, nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit. He wasn’t expecting that.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon