6

41 6 1
                                    


"Bakit wala ka kahapon, Rosane?"

Katapusan pala ngayon, araw ng swelduhan. Heto kaming tatlo sa harapan ni Tita Boss, hinihintay ang sweldo namin at mukhang papagalitan pa dahil sa hindi ko pagpasok kahapon.

Putik, muntik ko nang malimutan na payday pala ngayon!

"Maraming tao kahapon, hija. Kinulang tuloy ako sa kahera."

"Umuwi po kasi ako kila, Tita Ginnie. Kinausap po ako..." paliwanag ko.

"Bakit ang sabi ni Madeth dumaan ka pa rito mga bandang alas-sais?"

"Opo, kasi hinintay ko pong matapos ang shift nila Jahm."

"Kasi po, Tita Boss... may ginagawa po kaming project sa english!" gatong ni Jorja. "Kaya po pinapunta ko s'ya rito kahapon."

Tumango ng bahagya si Tita Boss, mukhang bumenta ang alibi ni Jorja. Iniabot na sa dalawa ang sweldo nila. Kinabahan naman ako nang umangat ang kilay ni Tita Boss Maggie sa akin.

"A-uno bukas, agahan n'yo ang pagpasok. Paniguradong maraming tao," mataray niyang wika at inilahad ang sobre sa akin. Mabilis ko namang tinanggap iyon.

"Opo!" sabay-sabay naming saad.

"O, s'ya, umuwi na kayo at baka gabihan pa kayo sa daan!"

"Salamat, Tita Boss!"

Lumabas kami ng office ni Tita at dumiretso sa staff room para magpalit ng damit.

"Pupunta pa kayo ni Pareng Gab sa Patisserie Boulangerie?" tanong ni Jahm.

"Oo, gusto n'yong sumama?"

Umiling ito. "Magsho-shopping kami ni Jorja, eh!"

"Sale nga pala ngayon sa mall."

"Bibili kami ng damit, Rosane! May ipapasabay ka?" Lumakad palapit si Jorja sa akin. Inayos niya ang bangs ko. "Eww! Lagpas ang liptint mo, gaga!"

Tumingin ako sa salamin. Nakita kong may kumalat na tint sa gilid ng labi ko. Pinunasan ko naman iyon.

"Wala akong ipapabili."

"Text mo na lang kami kung magkakaro'n!"

"Mauna na ako, ah!" pagpapaalam ko.

"Ingat!"

Tumango ako. Nauna na akong lumabas ng staff room sa kanilang dalawa at pumunta sa katabing convenience store. Bumili ako saglit ng gatorade at saka nagpas'yang sumakay ng tricycle papuntang Patisserie Boulangerie.

Tumunog ang cellphone ko. May message, galing iyon kay Gabrielle.

Gabrielle:
Are you on the way?

Ako:
Malapit na me.

Gabrielle:
Okay, I'll wait you here! Ingats.

Ako:
Okay. :)))

Bumaba ako kaagad nang huminto ang sasakyan. Inayos ko muna ang nagulo kong bangs bago tuluyang pumasok sa loob.

Nasa bumangad lang si Gabrielle kaya kaagad kong nakita.

"Kanina ka pa?" tanong ko nang makaupo sa tapat niya. "Sorry, naghintay ka yata nang matagal."

"Hindi, halos kararating ko lang," he smiled like an idiot. Ngumiwi ako. "Nag-dinner ka na ba?"

"Hindi pa, ikaw ba?"

"Tapos na, kumain ka na muna ng dinner bago ka kumain ng matatamis."

Tumango ako.

"Ako na ang o-order sa counter!" he insisted.

"Okay!"

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nag-online muna habang hinihintay si Gabrielle. May dalawang messages na bumungad at isang notification pagkabukas ko ng Facebook.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon