“Shocks! Anong meron, Rosane, at ang daming pagkaing binili ni Gab?”
Tanging iling lamang ang naisagot ko kay Jorja. Akala ko, ako lang ang ili-libre niya. Hindi pala, buong barkada. Ayos lang naman para kapag naubos ang pera niya, hindi lang ako ang sisisihin niya.
“Oh my gosh, Gab! Thanks for the treat! Next time, ako naman ang manlilibre sa 'yo! Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo!” ani Mayen.
Kakaupo lang ni Gabrielle galing counter. May dala pa ulit itong isang tray at nilagay sa aking tapat. Napaangat ang mga kilay ko nang makita ang binili miya.
“Walang ginisang ampalaya kaya ginataang kalabasa na lang, Sane. Don't worry, sinamahan ko naman ng burger at sprite!”
“Okay lang kahit walang buger at sprite, 'no!” wika ko. “Mukhang hindi ko ito mauubos. Ang dami ng in-order mo. Share tayo, ah?”
Sa tansya ko, dalawang order itong ginataang kalabasa. Ang dami, tapos may pa-burger, cake, at carbonara pa siya. Balak niya yata akong bitayin.
“Oo, iyung matitira mo sa akin.”
I smiled like an idiot while nodding my head. Hindi siya masyadong mahilig sa kalabasa. Madalang lang siya kumain nito at napapanahon lang. Konti nga lang ang kakainin ko para marami siyang kaining kalabasa. Natawa ako sa aking isipan. Mindset ba, mindset!
Nagsimula na kaming kumain. Panay ang pagbibiro ni Dianaya at Jorja sa hapag. Gagatungan pa ni Gabrielle kaya lumalakas ang tawanan namin.
“Gab, salamat sa tanghalian! Nakatipid ako ngayon!” ani Dianaya.
“Me too, Gabrielle! Thank you for the treats! Tell me, kung kailan ako babawi sa 'yo. I'll treat you!” parang kinikilig na saad ni Mayen. Palihim naman siyang tinutukso ni Dianaya. “Ey, stop, Dianaya...”
“Ano bang meron, Pareng Gab?” si Jahm naman ang sumunod na nagsalita. “Mukhang maganda timpla natin, ah! Gan'yan nga para lagi tayong magkasundo.”
Gabrielle chucked. “Last na 'yan, sulitin mo na!” nagdaingan sila sa sinabi nito. Hindi ko alam pero bigla na lang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Naging iba ang hatid ng birong iyon para sa akin. I bit my lower lip to calm myself. “It's just nothing, guys! I just want to treat you all! Wala na kasing paglalagyan ang pera ko.”
“Ang yaman kasi eh!” buyo ni Jorja. “Wala kang paglagyan, ito wallet at bulsa ko, oh! Free'ng-free, sis!”
“Joreng, hindi ako mayaman!” tanggi naman ni Gabrielle. “Sila Mommy ang mayaman. Itong pera ko, galing sa pag-o-online gaming at raffles.”
Mahilig siyang sumali sa mga raffle-raffle na iyan. Nang dahil sa kaniya natuto rin aking sumali sa mga raffle na may malalaking prizes. Kadalasan naman kasi mga charity raffle o raffle for a cause ang sinasalihan namin. Kapag wala kaming magawa sa perang napapanalunan namin ay i-do-donate namin sa bahay ampunan o kaya naman magbibigay ng pagkain sa makikita naming mga batang palaboy-laboy sa daan.
“Nawa'y lahat!” halakhak ni Dianaya.
“Ang yaman n'yo nga, Dianaya eh! Parehas architect ang mga magulang mo,” singit naman ni Jahm. “Sanaol, family of architect!”
“Kumusta naman si Mayen?” Tinuro ni Jorja si Mayen. “Well, sikat na sikat ang Area 16! Ilang branches na nga ba meron n'yan dito?”
“Total of fifteen!” sagot naman nito.
“Tingnan mo nga, ikaw pala ang pinakamayaman sa grupo!” saad ni Gabrielle. Nagtawanan kaming lahat.
“Kumain na nga lang tayo! Sayang kapag hindi ito naubos!” sigaw ni Jahm. “Ang magtira, magbibigay ng limang libo!"
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...