“Bakit ka rin nandito?”
Kinuha ko ang cheeseburger na in-order ni Ohne para sa akin. Wala akong ideya kung bakit dito pa kami sa McDo nakipagkita rito kay Jameson, kasama niya pang dumating si Syrone kaya medyo nagtataka ako.
“Sinama ko siya, witch,” ani Jameson. “Baka kasi may mangyaring gulo, siya itong aawat.”
“Luko ka ba?” inis kong tanong. “Pinararating mo bang bubugbugin kita rito? Asa ka pa!”
“Ibig sabihin... wala kang balak na saktan ako?”
Inirapan ko siya. “Bakit kita sasaktan? Eh, hindi pa naman kita nakikilatis. Kaya kapag hindi ka nagsabi ng totoo...” Sinadyan kong huminto sa pagsasalita at tinitigan siya sa mata. “Kahit sino pa ang taga-pagtanggol mo, kahit si Poncio Pilato o si Satanas pa, hindi ka makakatakas sa akin…”
I laughed.
Nakita kong napalunok siya. Mas lalo akong tumawa dahil sa itsura niya. Nahagip ng mga mata ko si Syrone, nag-iwas ito ng tingin.
“You’re crazy,” bulong ni Ohne.
Natigil ako sa pagtawa at seryosong binalingan si Jameson. Pilit itong ngumiti sa akin. Naging matalim naman ang tingin ko sa kaniya.
“Magpaliwanag ka na, dali,” utos ko. “Habang hindi pa nag-iinit ang ulo ko sa ‘yo.”
Muli akong kumagat sa burger ko at nginuya nang nginuya iyon ng mabuti.
Mas masarap talaga ang burger sa Burger King.
“Monday ‘yon, pagkatapos ng meeting ng bandang alas-otso... P-Palabas na sana ako ng school, when I noticed that there was no guard at the gate...”
I swallowed hard.
Habang nagsasalita siya, napansin kong nanginginig ang mga kamay niya at labi.
“Nagtaka ako na ako no’n pero hindi ko na pinansin and I continued to walk but someone blocked my way. Itim ang lahat ng suot niya. Nakamaskara s’ya na pang-halloween, ghost mask rather. I was going to laughed that time—pero bigla siyang lumapit sa akin at tinutok niya ang hawak niyang kutsilyo sa akin...”
“Hindi ka man lang sumigaw?”
“Sisigaw sana ako pero pinagbantaan niya ako. Sa oras na sumigaw ako, hindi na raw ako sisikatan ng araw...” gumaragal ang boses niya. “Sa takot ko, hindi na ako nakakibo. Para akong lutang... lumilipad ang isip ko sa sobrang takot...”
“S-Sandali...” singit ko. “Nauna ka bang umalis sa meeting n’yo o nauna sila Gab?”
“Nauna sila ni Ohne sa akin. May inayos pa kasi sa SC office.”
“Eh, ‘di nakauwi na nga si Gabrielle no’n... Pero bakit siya bumalik ng school?”
Tumikhim siya. “Sabi nung lalaking nanakot sa 'kin, abangan ko raw ‘yung pinsan ni Ohne na si Gabrielle sa gate. Kapag nakita ko na, dalhin ko raw sa fourth floor. Kapag pumalag... Saksak—”
My eyes grew bigger. “Gago ka pala, eh! Dapat nagsumbong ka sa pulis! Ang talino mong tao pero pagdating doon, wala kang nagawa!”
“Witch, wala ka sa posisyon ko nung mga oras na iyon! Paano ako makakapalag kung nakabantay sa akin ang lalaking na 'yon? Hindi mo alam kung gaano ako katakot na takot nung mga oras na 'yon!”
My face heated.
“Nang dahil sa takot mo... namatay ang k-kaibigan ko!” narinig ko ang pagbasag ng boses ko. “Isang gabi lang iyon... Isang pagkakamali... Isang buhay ang nasira mo... Hindi man ikaw ang may pakana... Kasabwat ka pa rin!”
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...