Matapos suriin ng mga awtoridad ang katawan ni Gabrielle at ang crime scene. Sumunod naman ako sa Police Station nila para alamin kung ano ang mga nakalap nilang evidence o kung ano mang bagay na makakapagturo sa akin kung sino ang gagong S na iyon!
Hindi ako makakatulog at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang demonyong nasa likod ng pagkamatay ng kaibigan ko.
"Inspector Colima," tawag ko rito. "M-Magandang h-hapon po..."
Lumapit naman siya sa akin. Hindi ko siya nagawang kausapin kanina dahil pinaalis ako nung isang pulis at pumaepal pa si Ariess.
"Oh, Miss Beindz," nahihimigan ko ang kalungkutan sa kaniyang boses. "I'm sorry for you loss, hija..."
"Inspector... A-Ano pong nangyari sa investigation?"
"According to Detective Delos Santos, it's a suicide case-"
"Po?!"
"Nakakalungkot mang sabihin ngunit wala kaming nakitang anuman bagay na makakapagsabi na murder case ang nangyari sa kaibigan mo."
"Pero may mga death threats siyang natatanggap, Inspector!" Tumaas na tono ng aking boses kaya napatingin ang ilang pulis sa aming gawi. "Maniwala ka po. Hindi po iyun suicide, it's murder! May gusto talagang pumatay sa kaibigan ko! Bakit po bang hirap kayong maniwala sa sinasabi ko?! Bakit ba ayaw niyo kaming paniwalaan?!"
"Calm down, hija..."
"Inspector, please... Imbestigahan niyo po ulit... Hindi po katanggap-tanggap ang p-pagkamatay niya-"
"May suicide letter kaming nakita sa kaniyang bulsa, bata. Kaya huwag kang magtaka kung ide-deklarang suicide case iyon..."
May biglang nagsalita sa aking likod na siyang nagpatuod sa aking kinatatayuan. I cleanced.
"Malinaw na rason para i-deklarang suicide case ang nangyari sa matalik mong kaibigan, hija."
I gritted my teeth. Kulang na lang matanggal ang mga ngipin ko dahil sa mariin na pagngisngisan ng mga ngipin ko. Nilingon ko siya at sinaman ng tingin.
"Ano naman ang nakalagay sa suicide letter, Detective?" matigas kong pagkakasabi. "Naniwala ka naman kaagad?! Matibay na bang ebidensya 'yon?!"
Inilabas niya ang kaniyang cellphone sa bulsa, may pinindot at mabilis na pinakita iyon sa akin.
I am really tired. I want to end this shit. Good bye people, good bye world.
-GabNanlaki ang aking mata at bahagyang napaawang ang aking bibig. Hindi maitatangging penmanship nga iyon ni Gabrielle.
"H-Hindi! Hindi 'yan sapat para sabihing nagpakamatay siya! Hindi niya magagawa 'yon-"
"It's obvious. May suicide letter, malinaw na nagpakamatay siya, hija."
"Hindi nga! Bakit ba naniniwala ka sa kakapirasong papel na 'yan?! Sapat na ba talagang ebidensya 'yan para sabihing nagpakamatay siya?! Detective ka ba talaga?!"
"Marami ka pang kakainin na bigas. Wala kang alam dito. Kaya huwag kang mangialam!" angil niya. "Bakit hindi mo na lang pag-aksayahan ng oras ang pag-aaral mo kaysa mangialam sa trabahong hindi mo naman alam, bata?"
"Ha!" I sarcastically laughed. "Hindi porket matagal ka nang nabubuhay sa mundong 'to, eh, marami ka ng alam, Manong! Para sabihin ko sa 'yo, mas marami pa akong napagdaanan at naranasan kaysa sa 'yo!"
"I don't care about your shitty opinion, kiddo. Sa paningin ko, isa ka lang lamok na kayang-kaya kong tirisin-"
"Tirisin mo, kung kaya mo!" hamon ko. "Patawa ka rin, 'no? Bakit hindi mo na lang gawin nang maayos 'yang trabaho mo?! Sa kapira-piranggot na papel, maniniwala kang suicide 'yon?! Detective ka ba talaga, ha?! Kapag napatunayan kong may pumatay sa kaniya, ikaw ang papatayin ko!"
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...