Minulat ko ang aking mga mata at dumiretso naman ang tingin nito sa bintana. Nakikita kong madilim pa sa labas. Bumangon ako at nag-inat. Napangiwi ako ng makitang suot ko pa ang damit na suot ko kahapon.
"Anong oras na ba?" Tumingin ako sa relo ko. Mag-aalas kwarto pa lang pala.
Gano'n ba ako kapagod kagabi at hindi na nagising para lumipat sa kwarto? Nakakainis!
Umakyat ako sa kwarto ko at inipon ang lahat ng mga labahin ko. Hindi ako nakapaglaba nitong weekend dahil naging busy ako at mukhang nakalimutan ko.
May washing machine at dryer kaya hindi ako nahirapan sa paglalaba. Umabot lang ng isang oras ang paglalaba ko, at saka konti lang naman iyon. Nang makatapos sa paglalaba, kusina naman ang hinarap ko. Isinangag ko ang natirang kanin kagabi at nagluto ng frozen foods.
"Good morning, Rosane!"
Kabababa lang ni Jahm. Humikab siya sandali at lumapit sa lamesa.
"Ang aga mo namang nagluto? Anong oras ka nagising?"
"Alas kwarto, naglaba ako sandali tapos nagluto na. Kumusta ang family dinner n'yo?"
Sumimangot siya. "Not good, Rosane. Pinagalitan lang naman ako ng matandang 'yon!"
"Easy, umagang-umaga, high blood ka na kaagad. Puso mo.”
She scoffed. "Dapat pala hindi na ako um-attend kahapon. Dumating din kasi 'yung kapatid ni Mommy."
"May kapatid pala ang nanay mo?"
"Kagabi ko lang din nalaman."
Sumandok siya ng kanin. "Nagulat nga ako dahil kakambal pala 'yon ni Mommy. Pero hindi sila magkamukha."
"Eh 'di may kambal pala sa lahi n'yo?"
She nodded. "Oo, ang nakakagulat lang. Ngayon lang daw ulit nagpakita ang kakambal ni Mommy after 16 years."
Ang tagal no'n, ah? 16 years...
"I'm secretly asking Kuya, about that pero wala rin siyang idea…”
Ang gara naman. After 16 years 'tsaka babalik sa pamilya mo. That's awkward...
"Anong atin? May bagong tsismis?" Dire-diretsong umupo si Jorja sa upuan at nagsandok ng pagkain. "Jahm, sino nga ulit 'yung babaeng sinasabi mo kagabi?"
"Kakambal ni Mommy," nakangusong sagot ni Jahm.
"Ano nga ulit pangalan no'n?" muling usisa ni Jorja. Napailing naman ako. Tsismosang tunay!
"Rozel Alegre, hindi ko lang alam kung kasal na s'ya o hindi."
Hindi na ako nakinig sa usapan nilang dalawa. Umakyat na ako sa kwarto ko para gumayak at ayusin ang sarili.
Habang hinihintay kong mapuno ang tubig sa banyo, nag-online na muna ako. Bumungad sa aking ang iilang notifications at chats. Nakita ko rin ang mga tagged photos sa akin ni Gabrielle. Nagcomment ako.
Ako:
Ayos, ah! Iyung mga epic ko pa talaga ang pinosted mo. Best friend talaga kita! #TroprendporibirBinasa ako ang ilang mga comments na naroon. Napangiwi ako at napairap.
Mayen Mazon:
Always making gala but never akong inaya.Syrone Ayvan Villahermosa:
Nice.Joevit Vilches:
Girlfriend and boyfriend ideal, eh?Persus Bartolome:
Pengeng girl best friend, brad!Marga Duan:
@Rosane, ang cute mo d'yan. HAHAHAHAHAHA. Sana all, haggard! Char! Ang ganda mo!
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...