Bumalik ako sa Music Club ng masama ang loob. Lahat ng tao sa club ay pinagtitinginan ako na parang may dumating na sikat na artista. Wala naman akong magawa kundi ang magbaba na lamang ng tingin. Alam ko namang narinig nila ang confession ni Mayen kanina.
Naramdaman kong may tumabi sa akin. Nilingon ko iyon, si Anjoe pala.
"Water?"
Tumango ako, mabilis siyang kumuha ng bottled water sa cooler at inabot sa akin.
"Salamat."
Ilang lagukan lang naubos ko na ang laman ng bote. Nakakabadtrip ang araw na ito. Putcha.
"How can you comfort yourself?" biglaang pagtatanong niya. "Do you do something? Like eating ice cream on hard days? Para mailabas ang sama ng loob mo?"
Umiling ako. "Pinapalipas ko na lang. Hinahayaan..."
Kahit naman na lumipas na...
Nandoon pa rin naman ang sakit.
Kaya hinahayaan ko na lang...
Sinasanay ko na lang ang sarili ko...
Natigil ang pagtutulala ko nang mapansing nagkakagulo ang mga ka-grupo ko.
"Where the hell is Janice?" dinig kong tanong ni Gariel. "We're about to start! Where is she?"
"Calm down, dude. Tinatawagan ko na siya!" ani Nikko. "Pick up the phone now, Janice!"
"Anong nangyayari?" siyang pagsulpot ni Mrs. Tui. "Kumpleto na ba kayo? Oh! Nasaan si Janice? Kayo na ang susunod."
"She's missing po," Anjoe answered.
"What?!"
"Don't worry, Mrs. Tui, we're trying to contact her."
"Ilang minuto na lang! Kapag hindi nahanap si Janice, kumuha kayo ng isa pang vocalist sa ibang grupo!"
"Mrs. Tui, may nagpapa-request!" May dumungaw na lalaki mula sa stage. Hindi ko matandaan ang pangalan niya. "Nagbigay na ng five hundred points! Hindi na p'wedeng tanggihan!"
"What?!" Gariel's eyes widened
"Anong request ba 'yan?""Pinapakanta ba ulit si Gariel?" natatawang tanong ni Nikko.
"Hindi," sagot nito. "Kabilang buhay ang kakantahin tapos siya ang kakanta!"
Napatingin sa akin ang lahat nang ituro ako ng lalaki. My eyes grew bigger.
"Sakto!" sigaw ni Mrs. Tui at pumalakpak sa ere. "Kabisado niya ang kanta! P'wedeng-pwede!"
Gariel gasped. "Are you kidding me?!"
"Dude, I wanna hear your voice!" masayang turan ni Nikko at tinapik ang braso ko. "Sing!"
Umiling-iling ako. "N-No freaking way."
"Dude, five hundred points 'yon!" sigaw sa akin ni Nikko. "Nakapagbigay na! Hindi p'wedeng tanggihan! Kumanta ka na!"
"Ano naman?! Kung gusto mo, ikaw ang kumanta," sabi ko at pinandilatan siya.
Hindi ako kakanta!
"Kapag kumanta 'yan siguradong babagyo!" nang-aasar na wika ni Gariel.
"Dude, ang harsh mo naman!"
"Baka nga hindi lang bagyo! Baka giyera pa!"
Nagtawanan pa silang dalawa sa harapan ko. Hinampas naman silang dalawa ng pamaypay ni Mrs. Tui, doon lang sila natigil.
"Miss Beindz," baling sa akin ni Mrs. Tui. "I-grant mo na ang request, ngayon lang naman ito."
"Hindi po kagandahan ang boses ko."
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...