31

17 2 0
                                    

"Ohne Karl and I, are one of the players that will gonna represent the school in sportfest."

Syrone is discussing something. Tahimik lamang akong nakikinig, at pilit ko namang nilalabanan ang antok sa isang gilid.

"It would gonna be a big event dahil magkasabay ang School Festival at Sportfest. Humihingi ako ng pasensiya dahil ang iba sa inyo ay sasaluhin ang mga gawaing hindi matatapos ng kung sinumang naka-aasign doon."

Isinusulat ko naman ang mga susunod kong gagawin. Ako lang mag-isa ang mag-che-check ng mga ito dahil ako lang ang walang gagawin. Nakipagtalo pa ako kanina sa kanila dahil hindi patas na iwan nilang lahat sa akin ang mga gawain. Lahat pala sila ay may sinalihang club at sport.

S'yempre, nakipagbangayan ako sa kanila. Hindi talaga ako pumayag na ako lang ang gagawa ng mga gawain. Sabi pa ni Ohne, inaasahan na niyang hindi ako papayag kapag in-offer-an niya ako.

"I'm gonna do your special projects, woman."

"May sarili akong utak. Kaya kong gawin 'yon."

"I'm just giving you a peace of mind."

"Peace of mind? Eh, ang dami nga 'tong iiwan n'yong gawain sa akin."

"Ayaw mo? Madali akong kausap. Sige, gawin mo lahat ng gawain kasabay ang mga ihahabol mong projects."

Ngumuso ako. "May practice ka. Paano mo maisasabay ang paggawa sa mga projects ko?"

Balak kong pumayag sa offer niya pero ayokong ipagkatiwala ang mga special projects ko sa kanya. Baka may makaalam na pinagawa ko ito sa iba at ipaulit sa akin.

Sa huli, hindi ko tinatanggap. Sinabi ko na lang na kaya ko iyon at hindi ko kailangan ng tulong niya.

Napabuntong hininga ako, ang dami ko pa lang lilibutin na mga club. Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang club ang mga ito!

Punyeta!

Ang dami nito! Makakalbo ako nito sa sobrang stress at baka ma-depressed pa. Ganito pala kahirap maging officer. Nakakaloka!

"Miss Beindz, ikaw na ang bahala sa lahat. As a secretary, kailangan mai-ayos mo ang lahat ngayong araw. Do you understand?"

Tumingin ako sa wall clock na nandito sa office. It's already 11:00 am. Mahaba-haba pa ang oras para ma-check ang mga pesteng club na ito.

Bakit ba kasi ang dami?

Kaya ko ba ng mag-isa lang 'to?

Gumawa na rin ako ng schedule para mamaya. Tig-15 minutes bawat club na pupuntahan ko at sisimulan ko mamayang 12. Sa ngayon ay kakain na muna ako ng lunch. Mahirap na, baka himatayin ako sa gutom.

"Miss Beindz, are you listening?!"

Sa tingin ko naman ay matatapos ako ng mga bandang 5pm. Sakto at uwian na rin naman 'yun. Whole day kasi ang pasok namin ngayon dahil nga nag-aayos.

Peste.

Mas gugustuhin ko pang matulog buong araw kaysa libutin ang buong school.

"Witch!" nakaramdam ako ng pagtapik sa aking balikat. "Wala ka bang naririnig?"

"Ha? May sinasabi ba kayo?"

Pinasadaan ko silang lahat ng tingin. Nasa akin ang paningin nilang lahat. Nagkibit-balikat lang ako at saka sila inirapan.

"You're spacing out again, witch," asar sa akin ni Jameson.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon