“Do you have any suspicions?”Binaba ko ang hawak kong libro. Pinakiramdaman ko ang paligid at sinuyod ng tingin. Wala akong nakitang ni isang anino o mga estudyanteng nagpakalat-kalat. Bumuntong hininga ako. Kung hindi ko sasabihin kay Aven ang hinala ko, hindi kami uusad sa plano namin at lalo lang magtatagal ito.
"Meron ka bang pinaghihinalaan, Rosane?" sunod niyang tanong.
"Meron."
"Sino?"
"Si Syrone."
"W-What?" His eyes grew bigger. "Are you serious?!"
"Hinaan mo ang boses mo."
"Oh, sorry. Nabigla lang ako," aniya sabay humalukipkip. Nangunot ang noo at nagtatakang sumulyap paharap sa akin. "Sa paanong paraan? Bakit?"
I'm glad na hindi siya nakakatanggap ng threaths from killer pero hindi ba't nakakapagtaka?
Kumunot ang noo ni Aven matapos basahin ang nasa papel.
"Ngayon ko lang 'to naisip, tama ka nga. Baka nga siya talaga ang killer? First, he has feelings for you. Second, he tried to court you but failed. Third, ginulat n'yo ang buong campus nang maging kayo."
Napasimangot ako. "Matagal na siyang may gusto sa akin."
"Since when?"
"Hindi ko matandaan kung kailan pero matagal na."
"Tingin mo ba buhay pa si Gabrielle nung magkagusto s'ya sa 'yo?"
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko talaga matandaan."
"Pero bakit s'ya, Rosane? I'm not totally close with him kahit pa anak siya ng best friend ni Mommy. Hindi ko talaga siya kilala."
"Aven, maaaring magkamali ako sa hinala ko pero kasi... Ang laki ng posibilidad na siya ang killer," I bit my lower lip. Nakita ko ang kaguluhan sa mga mata niya. Gaya ko, nahihirapan din siya at pagod na mag-isip para resolbahan ito. Naging mabigat ang paghinga niya at seryosong tumingin.
"Do you have any evidence?"
"Wala pero kasi—"
"Maghanap tayo ng sapat na ebidensya bago natin siyang paghinalaan, Rosane. We didn't know kung ano ang kahahantungan nito pero magiging okay lang ba sa 'yo kung may masasaktan sa dulo?"
Napakunot ang noo ko. "Anong masasaktan sa dulo?"
"Meron at merong masasaktan, Rosane. Hindi ko alam kung sino pero ihanda mo na ang sarili mo."
Napangisi ako. "Sa huli, alam ko namang isa rin ako sa mga masasaktan."
"That's life..."
Parehas kaming napahinga ng malalim. Pinatong ko ang ulo ko sa table at pumikit. Ang bigat-bigat ng ulo ko at parang sasabog ito.
"Okay na ba kayo ni Duero?" maya-maya'y tanong niya. "I heard, nagkagalit kayo dahil sa insidenteng nangyari?"
"Okay na kami."
"Why is he mad at you? Gusto mo bang ipaghiganti kita sa kaniya?"
"Suntukin kaya kita?"
"Just kidding," biro niya. Naramdaman kong pinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ko sabay gulo ng aking buhok.
"Ano ba?! Mahirap magsuklay."
Inis akong nag-angat ng ulo at sinamaan siya ng tingin. Napanguso naman siya.
"Kay babae mong tao napakatamad mong magsuklay."
"Anong gusto mo? Oras-oras akong magsuklay? Gusto mo bang makalbo ako?"
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...