71

3 0 0
                                    


Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Walang ibig na magsalita. Hindi rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko.

Saktong alas-sais nang makarating kami sa kinaroroonan. Huminto ang sasakyan sa mismong gate ng school. Binaba ni Havier ang rear driver side window, nakita kong tumango sa kaniya ang guard at pinadiretso sa pagpasok.

Inihinto niya ang sasakyan sa pinakatapat ng Hall. Sumilip ako sa labas at kita kong maraming mga estudyanteng nakatumpok sa bukana, hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha dahil natatakpan ito ng maskara.

“Duero called me,” Havier finally spoke up. “He will wait for you at the entrance. Wear your mask now.”

I bit my lower lip.

Bumuntong hininga ako saka kinuha ang itim na mask, may feather pang nakalagay sa gilid nito parang ‘yung mga sinusuot nung mga matataray na babae sa pelikula, gano’n.

“Isang tanong na lang,” sabi ko at pinakatitigan ang hawak na maskara. “Isang-isa na lang talaga!”

“I know you, Valentina,” matunog siyang napangisi. “Kapag nasagot ang isa mong tanong, magtutuloy-tuloy ka na sa pagtatanong.”

I gritted my teeth.

“Isa na nga lang!” angil ko. “Promise, last na tanong na. Tapos, bukas na ‘yung iba!”

“No, just save it.”

“Isa lang, eh!”

“Male-late ka na.”

“Makapaghihintay ‘yan, isang tanong na lang!” I raised my voice. Isang matalim na tingin ang pinukol ko. “Sino ‘yung lalaki kagabi? Sino siya? Bakit niya ako kilala?”

“One question, huh?” He shook his head. “No, I won’t answer your question. Lumabas ka na ng sasakyan, Valentina. Enjoy your night and I will pick you up after the event. So, see—”

“Putangina!” I screamed at the top of my lungs.

His eyes grew bigger.

“Mababaliw na talaga ako, Havier! Mababaliw na ako kakaisip! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Petste! Paano n’yo naaatim na gawin ‘to sa ‘kin?!”

“Valentina…”

“Alam kong alam mong sanay na ako sa hirap at sakit, H-Havier…” my voice broke. “Huwag n’yo namang dagdagan pa, hirap na hirap na ako, oh… Tao rin ako, napapagod kapag hindi na kinakaya! Depunggala! Traumang-trauma na ako, Havier! Konti na lang talaga, mababaliw na talaga ako…”

“You wouldn’t understand.”

“Ikaw ang hindi nakakaintindi!” kontra ko. I gasped to catch my breath. “Ayaw mong ipaliwanag sa ‘kin kahit alam mong alam kong maiintindihan ko naman!”

“It’s hard to explain.”

“Mahirap i-explain?” sarkastiko akong tumawa. “Bakit? Ano ‘yan? Isang theory na mahirap i-explain kung kailangan gugunaw ang mundo? Mas mahirap pa sa mga formula sa math? Bobo ba talaga ang tingin mo sa 'kin?”

“It’s not what you think, Valentina!”

“Ipaliwanag mo kasi! Hindi naman ako bobo para hindi makaintindi!”

He looked away. Pinatong niya ang ulo sa manibela, hindi niya magawang sumagot kaya iyan, mananahimik na lang sa isang gilid.

I gulped.

Sinuot ko na ang maskara at inayos ng bahagya ang aking buhok. Hindi ko akalaing babagay pala sa akin ang maikling buhok.

“Parang sasabog ang utak ko. Bukas na lang natin pag-usapan,” usal ko at saka seryosong nagbaling ng tingin sa kaniya. “Pasensya na sa mga nasabi ko. Hindi ko na ma-kontrol ang lahat ng mga sinasabi ng utak ko, kusa pang pumuputak ang bibig ko dahil sa frustration.”

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon