Hindi ko maipaliwanag kung ano itong nangyayari sa akin. Maraming boses ang aking naririnig na patuloy ang pagtawag sa iisang pangalan. Hindi ko sila makita. Wala akong makita. Tanging puting liwanag na lamang ang aking nasisilayan.
Nasaan ako? Bakit ako lang mag-isa rito ngunit maraming boses akong naririnig.
“Hey, Sane!”
Naramdaman kong may humaplos sa aking ulunan. Balak kong pumalag ngunit hindi ko magawang ikilos ang aking katawan. Paunti-unti may nakikita akong isang anino at habang tumatagal nakikilala ko na kung sino iyon.
“G-Gabrielle?”
Isang ngiti ang nasilayan ko sa kaniyang labi. “You’re here. Nandito ka na sa Paraiso!”
“Ha?”
Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Napakunot ang aking noo nang mapansin parang nasa isang isla kami.
“What do you feel right now?” he asked. “May masakit ba sa ‘yo? May mabigat ba sa dibdib mo? Kumusta ka?”
Wala pang isang segundo, kumawala na ang mga luha sa aking mga mata na para bang kay tagal ko iyong tiniis, at naging mabilis ang pagsalubong ng kaniyang mga braso para yakapin ako na hindi ko na pinatumpik-tumpik pa.
“G-Gabrielle…”
“Hindi ba’t sinabi kong ayaw kitang nakikitang umiiyak, Sane?” Marahan niyang hinaplos ang aking likod. “Tigil na sa pag-iyak. Pati ba naman dito dadalhin mo ‘yan?”
“T-Tears of joy ‘to!”
“Gano’n mo ba ako ka-miss, Sane?”
“Oo, luko! Miss na miss kitang luko ka! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?”
Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Binaliwala ko na lang iyon at mas hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. Lalo pa tuloy bumuhos ang mga luha ko at siyang ikinalakas ng pag-iyak ko.
“D-Dito na lang ako,” pahayag ko. “Ayoko na ro’n… Sinasaktan lang nila ako, Gabrielle…”
“Sane…”
“K-Kunin mo na ako sa kanila. P’wede ba iyon, Gabrielle?”
“Kung p’wede lang, Sane, matagal na kitang kinuha sa kanila,” sambit niya na siyang ikinadurog ng aking puso. “Maraming masasaktan kapag umalis ka—”
“Bakit ikaw?!” putol ko. “Bakit umalis ka kahit alam mong masasaktan ako?”
“It was my time, Sane. I had to accept that. I’m so sorry.”
“Durog na durog ako nang iwan mo ‘ko, Gabrielle…”
Naramdaman kong natigilan ito sa aking sinabi. Nakarinig ko pa ang malalim niyang paghinga. Ibinaon ko naman ang aking mukha sa balikat niya at umiyak nang umiyak.
Puno ng pighati ang aking nararamdaman pero kahit gano’n, masaya akong makita at makasama ang matalik kong kaibigan. Ito’t nahahawakan ko siya, naririnig ang kaniyang magandang boses, at ramdam ko ang mainit niyang yakap na siyang nagpaparamdam sa akin na ako ay nasa ligtas na lugar.
“I am sorry, Sane. Sorry for everything pain that I’ve caused.”
“Y-You… You don’t need to say sorry…” I shook my head. Kumalas na ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “Ako dapat ang nagso-sorry. Masyado akong naging maganda sa paningin nila at naging sanhi iyon para mapahamak ka.”
Hindi ko inaasahang hahalakhak siya ng gano’n matapos marinig ang sinabi ko. Umangat ang kanang kilay ko bilang senyales na naaasar ko.
“Gab!”
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...