Madilim na paligid ang siyang bumungad nang magmulat ako ng aking mga mata. Tinangka kong bumangon ngunit naramdaman lamang ako ng sakit sa magkabilang balikat ko. Tiniis kong hindi gumawa ng kahit na anong ingay kahit pa gusto ko nang sumigaw dahil sa kirot.
Nakita kong natutulog ang aking pinsan sa mahabang couch. Gusto kong maiyak dahil ito na naman ako, nasa ospital... Nakaratay.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog sa silid na ito. Kung magdamag man, nakasisiguro akong si Havier ang nagbantay sa akin at nahihinuha kong masakit na ang likod ni Havier. Hindi kasi siya sanay matulog sa couch, hindi siya nakakagalaw ng maayos doon kaya alam kong iindahin niya ang pananakit ng kaniyang likod.
Sinubukan ko ulit na bumangon nang dahan-dahan ang kaso wala akong lakas. Hinang-hina ang katawan ko, para akong lantang gulay.
Hinayaan ko na lang ang sariling humilata sa kama at hindi na pinilit ang sarili kong bumangon. Hindi ko naman kaya at wala pa akong sapat na lakas.
Sa nangyari ngayon sa akin, nahihinuha kong alam na ito ng pamilya ko. Siguradong mga umuusok na naman ang ilong nila sa galit. Ito na naman at napasok ako sa gulo.
Kung alam ko lang na may sasaksak sa akin sa classroom na iyon, eh ‘di sana hindi ako natulog doon. Gastos pa itong pagpapa-ospital ko!
May makakapagsabi ba kung bakit ito nangyayari sa akin? Ito na ba ang parusa sa akin?
Araw-araw na paghihirap at hindi mo alam kung kailan ka babawian ng buhay.
Bakit pa pinapatagal? Kung papatayin lang din naman ako, bakit hindi pa ako tuluyan kaysa pinapahirapan pa ako ng ganito.
Nang makitang maliwanag na ang labas mula sa bintana kaagad kong pinikit ang aking mga mata. Baka sakaling makatulog akong muli at hindi na magkaroon pa ng pagkakataon na makausap sila.
Ilang oras ba akong nakatulala?
Muntik na akong mapadilat ng makarinig ng tunog kung saan. Cellphone yata ni Havier iyon.
“Istorbong kupal kung sino ka man,” inis na saad nito. “Hello? Who the fuck is this?”
Umagang-umaga. Malulutong niyang mura ang siyang almusal ko.
“Fuck you, Big Brother! Hindi! Hindi pa siya gising!” rinig kong saad niya. Naramdam kong bumangon na siya sa pagkakahiga. “Oo, hindi pa! Dalawang araw na siyang tulog— Hindi ako tumatanggap ng bisita dahil nga utos ni Uncle Azore!”
Pusanggala!
Dalawang araw akong tulog?!
“No one can tell me what to do, except Valentina, of course—Ha! Wala nga akong tinatanggap na bisita! Ang kulit mong kupal ka! Oroka, oroka, oroka! Bwisit! Patayan ba naman ako!”
Inis akong napadilat at sumalubong ang mukha niyang nanggagalaiti sa inis.
“Bakit sumisigaw ka?” kumunot ang aking noo nang marinig ko ang aking boses. Paos ang pusanggala. “Pahinging tubig..”
Ilang segundo muna itong napatunganga bagong dali-daling kumilos para kumuha ng tubig.
Pinilit kong itinago ang sakit habang inaalalayan akong umupo ni Havier. Nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang baso, nariyan naman siya para umalalay.
“Salamat...”
Hindi siya kumibo.
“Anong araw na ngayon?” mahina pa rin ang aking boses.
“Thursday,” matipid niyang sagot.
“May pagkain ba?” nag-aalinlangan pang tanong ko.
“Kanina ka pa gising?” Binaliwala ang tanong ko. “Bakit hindi mo ako kaagad ginising?"
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...