9

28 4 7
                                    

“Let us eat first.”

Namangha ako sa pinasukan naming isang resto. P'wede pa lang kumain doon sa gitna ng damuhan kung saan pinalilibutan ng mga bulaklak. Parang pinasadya iyon tapos pabilog pa ang shape, parang papaikot. Itong lugar na ito parang pabundok ang style.

Tangina, ang ganda! May mga tables and chairs ding nakalagay doon!

“Humanap ka ng table, Sane. Ako na ang bahalang um-order!”

“Okay, okay!”

Halos patakbo akong bumaba sa hagdan. Nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng paligid at huminto roon sa isang table spot kung saan medyo malayo sa ibang mga table. Lumakad ako papalapit doon at saka umupo. Binaba ko naman ang dala kong backpack at ang maliit na bag ni Gabrielle.

I opened my Facebook while waiting for the foods. Bumungad naman ang tatlong messages.

Gariel Ry Aeñoso:
He brought you there, huh? Seems you are enjoying, Hellapig.

Ako:
Yeah, dapat sumama ka nang magkaroon ka naman ng peace of mind. :))

Jahm Jahm Gorza replied to your story:
Lukaret ng taon! Saan 'yan? Taena! Bakit hindi mo ako sinama? Punyawa!

Ako:
Inaaya kita kanina pero ayaw mo! Walang sisihan!

Syrone Ayvan Villahermosa replied to your story:
You look beautiful there.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko naman siya friend sa Facebook pero nakakapagreply sa story ko.

Feeling close si Kuya.

Nag-upload na lamang ako ng ilang pictures ko roon sa may entrance. Hindi ko na in-edit pa ang filter dahil wala namang magbabago pa sa itsura ko.

I find my home.

Caption ko sa post ko. Wala pang isang minuto nang may lumabas ng notification.

Jorja Mae Marzelo comment on your post:
Gosh! Ang cute mo d'yan! Saan 'yan, gaga? Sino ang kasama mong pumunta?

Ako:
Magic Land, dinala ako rito ni Gab!

Jorja Mae Marzelo:
Send pics!

Natawa ako sa sinabi ni Jorja. Hindi na ako nagreply pa dahil dumating na si Gabrielle kasama ang isang babae. Waitress yata.

Inilapag nito ang mga pagkain sa table. Namangha ako na naman ako dahil iba't ibang seafood ang nakahain sa harap ko. Narinig kong nagpasalamat si Gabrielle sa waitress bago ito umalis.

Pusanggala! After seven months! Makakakain na ulit ako ng seafood!

“Thank you, Gabrielle,” hindi ko naiwasang maging emosyonal. Nanggilid ang mga luha ko dahil sa sobrang sayang nararamdaman. “Thank you for bringing me here! I really appreciate it!”

Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. Parang birthday ko lang ngayon. Ganito kasi ang nararamdaman ko sa tuwing sasapit ang birthday ko. He's always make an effort just to surprise me. Matutuwa naman ako dahil kahit sa maliit na bagay nagagawa niya akong suprisahin.

“Hindi ko na tuloy alam kung paano ko mapapalitan ang lahat ng binibigay mo sa akin,” I bit my lower lip.

“Sane, hindi ako humihingi ng kahit na anong kapalit. As long as you are happy sa mga binibigay ko, ayos na ako roon.”

“Stop crying, Sane. Alam mo naman ayaw kitang nakikitang umiiyak. Let's eat.”

Marahan akong tumango. Nagsimula na kaming kumaing dalawa. Apura ang kwento niya sa mga bagay-bagay na nakakatawa. Ako naman itong taga-tawa lang.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon