25

21 2 0
                                    

“Pusanggala...”

Hindi ko alam kung bakit nagpa-flash back ang mga masasamang alaala na siyang pilit kong kinalilimutan. Kahit siguro magka-amnesia ako hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nila ako pinahiya sa maraming tao at kung paano rin nila yinurakan ang buo kong pagkatao.

Madalas ko man nakakasama noon si Papa, hindi mapagkakailang ayaw niya sa akin. Pati mismo sarili kong ama, kinaaayawan ako. Hindi man niya sabihin ng diretsahan, ramdan ko naman.

“Azore, wala ka bang balak ibalik 'yang bata 'yan sa tunay n'yang ina?”

“Wala.”

“Hindi dapat siya naririto. Nakakahiya sa sasabihin ng mga tao. Ilang taon na rin ang nakalipas, Azore. Ang ina naman niya ang mag-alaga sa kaniya. Nakakapagod siyang alagaan. Ang tigas-tigas ng ulo.”

“Hayaan mo na, 'Ma. Bata kaya gan'yan. Hayaan mo at pagsasabihan ko.”

“Naku, naku! Naku talaga, Azore. Kapag hindi ako nakapagpigil, ibabalik ko 'yan sa nanay niyang nagfe-feeling dalaga!”

Minsan ko rin silang narinig na pinag-uusapan ang tunay kong ina. Ang sabi nila, matapos manganak ibinigay na ako kay Papa dahil hindi raw nito kayang panindigan ang pagiging ina sa akin.

Nasaktan ako no'n pero wala nang mas sasakit pa sa ginawa niyang pagpiling sa pagitan ng trabaho at ako. Mas pinili niya ang trabaho kaysa sa akin. Pumunta siya ng Amerika nung nasa grade six pa lang ako. Naiwan ako kay Lola at Lolo. Doon naman mas lumala ang kalagayan ko. Pinapalo ng latigo kapag nahuhuli akong tutulala o kaya naman ay sinasampal kapag walang ginagawa. Ang gusto nila noon, gumawa ako nang gumawa ng gawaing bahay. Maglinis nang maglinis kahit walang kalat. Minsan, papasok ako sa school na puro pasa ang katawan ko.

“Hindi na makatao ang ginagawa nila sa 'yo, Sane! That's against human rights! Ano ba sila? Monsters? Demons?”

Ang batang Gabrielle ay madalas kung magalit sa tuwing may nakikitang pasa sa katawan ko. Akala niya noon, nabubully ako ng mga kaklase namin.

Nang sabihin ko ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ko ng mga pasa at sugat, sinabi niya sa kaniyang Mommy. Nung malaman ni Tita Ginnie kaagad niya akong kinausap. Ang gusto niya pa noon, magsampa ng kaso sa pamilya ko. Hindi ako pumayag dahil alam kong hindi kami mananalo sa korte kahit pa malakas ang ebidensya.

Isang gabi nagising na lamang ako dahil sa isang malakas na paghampas sa likod ko. Namimilipit ako sa sakit no'n at apura ang paghiyaw ko. Halos hindi na ako makadilat. Panay din ang pagbuhos ng mga luha ko noon at nagmamakaawang huwag na akong saktan. Hindi sila nakinig, hindi pa sila nakuntento…

Ibinitin nila ako patiwarik, at saka pinaghahampas ng latigo. Malabo man sa aking pandinig, naririnig ko ang pagtawa nila ng malalakas na parang tuwang-tuwa sa ginagawa.

Ginawa nila akong laruan, pinagpasa-pasahan hanggang sa malamog. Hanggang sa muntikan na akong mamatay.

“Tigilan mo na ang apo mo, Mercedes.”

“Mukhang pagod na, ipagpatuloy na lamang natin bukas.”

Tanging pag-iyak lang ang nagagawa ko no'n. Wala akong mapagsabihan, wala akong mapagsumbungan. Pero isang araw, sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko. Nagulat ako nangg may tumalon sa kamang hinihigaan ko.

“G-Gabrielle?”

“Shhh,” tinakpan niya ang bibig ko. “I'm gonna get you out of here.”

“P-Pero sila Lola at Lolo. M-Magagalit sila... H-Hindi p'wede…”

“Sane, nakikita mo ba ang sarili mo?” Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. “Nasa labas si Daddy, tutulungan niya tayong makalabas dito. Kaya tara na.”

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon