I don't wanna be here. I don't wanna be here alone. I can't escape the pain inside… I wish I was blind and deaf.Diretso akong pumasok sa loob ng classroom nang hindi nililingon ang kung sinuman. Pagkaupong-pagkaupo ko sa aking upuan, nilabas ko na ang mga gamit ko para sa exam.
"Ang kapal talaga ng feslak ni Impakta," nanunuyang sabi ni Maverick.
"Walang kahihiyan sa katawan."
"Puro gulo na lang ang ginagawa!"
"Dapat talaga hindi na siya pinayagang makapag-enroll pa ulit dito!"
"Tsk! Gan'yan ang nagagawa kapag marami kang pera. Abutan ng pera sa ilalalim ng lamesa ang labanan dito."
"Liwba na yata ang isang 'yan. Nanununtok ng walang dahilan."
"Ay, siguro nga. Tapos iiyak kapag walang maisagot."
Umikot ang mga mata ko dahil sa mga bulungan nila. Nagngitngitan ang mga ngipin ko at parang gusto ko na silang birahin ngayon.
Peste!
"Rosane..."
Nag-angat ako ng tingin kay Ariess.
"Pinapupunta ka ni Mrs. Delman sa office niya," turan niya, saka bumuntong hininga. "Nandoon si Persus at guardian niya, they wanted to talk with you."
Pesteng yawa...
"Hindi ka raw makakapag-take ng exam kung hindi ka ngayon pupunta."
Tumango ako, lumakas ang bulungan ng mga hinayupak. Ang ilan sa kanila ay nagtatawanan at sinasamaan ako ng tingin.
"Samahan ka namin," Jahm said. Akma na itong tatayo nang umiling at sinabi ako na lang ang pupunta sa office.
Napahinga ako ng malalim, minadali ko ang paglalakad papunta sa guidance office. Pagpasok ko ro'n, nandoon na nga si Persus at ang guardian niya.
"Miss Beindz, please be seated," Mrs. Delman uttered.
Sumunod ako sa utos niya. Tinapunan ko ng tingin si Persus, dismayado lang ang mababasa ko sa kaniyang mukhang may pasa at putok ang labi.
"Mrs. Bartolome, this is Rosane Beindz. Ang nanakit po sa inyong anak," usal ni Mrs. Delman.
Pusanggala.
Napakunot ang aking noo. Totoo naman ang sinabi niya pero hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagkakasabi niya.
Gaga 'to, ah?
"So, it's you, Miss? Ang nanakit sa anak ko sa kalagitnaan ng rehearsal n'yo?" ramdam sa boses ni Mrs. Bartolome ang inis. "Bakit mo sinuntok ang anak ko? Anong kasalanan niya para pasabugin ang nguso niya?"
Nagbaba lang ako ng tingin. Hindi ako nahihiya sa ginawa kong katangahan kahapon. Hindi ako nagsisisi sa ginawa kong pagsuntok. Ako ay tinatamad lang magsalitan at magpaliwanag. Wala namang makakaintindi sa akin.
"Miss Beindz, maaari mo bang sabihin ang iyong dahilan?" si Mrs. Delman. "Kailangan naming marinig ang dahilan mo bago ka namin patawan ng parusa."
I titled my head and take deep breath. Kung hindi lang dahil sa katangahan ko, wala sana ako rito sa pesteng office na ito.
Nag-angat ako ng tingin kay Mrs. Bartolome. She didn't look mad though but I felt some disappointment from her.
"Sorry, Mrs. Bartolome. Kaya po nasuntok ang anak niyo dahil napag-alaman ko pong siya ang naglalagay ng mga kung ano-ano sa locker ko. Sa madaling salita, inakala ko pong siya ang stalker ko."
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...