8

35 5 3
                                    

“DING DONG! DING DONG! SANE!”

Wala sa sariling napadilat ako ng mga mata. Nakaramdam naman ako ng biglaang pagkahilo at pagsakit ng sintido sa bigla kong pagbagon.

“Ding dong, Sane! Ding dong!”

May narinig akong sumisigaw sa labas at kasabay no'n ang pagsunod-sunod na pagpindot sa doorbell.

Sumilip ako mula sa bintana ng aking kwarto at gano'n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang nakatayo sa labas ng apartment si Gabrielle. He's tapping the doorbell like it was an arcade machine.

“Sane, open the damn gate! I'm hungry!” he shouted when he saw me through window. “Hurry up! Open the damn gate!”

I scratched my nape and whispering some curses. Nagmadali akong bumaba nang makasalubong ko si Jahm sa hagdan. Mukhang kagigising niya lang din. Inalalayan ko pa itong bumaba dahil muntikan na siyang gumulong.

“Tangina 'yan! Natutulog pa ako, eh!” reklamo niya at walang pasabing dumapa sa couch. Napailing na lamang ako at dumiretso na sa labas para pagbuksan ng gate ang damuho!

“Alam mo ba kung anong oras pa lang?” tanong ko matapos matanggal ang padlock sa gate.

“I have watch! It's 5:30 am!” nakangiting sagot niya habang pinapakita sa akin ang relo niya.

Putcha, namiloso pa ang kingina.

“Alam mo rin bang tulog pa ang mga tao rito?!”

“Yes! Kaya nga binubulabog ko kayo!”

Matinding pag-irap ang ginawa ko sa kaniya at naunang bumalik sa loob. Naghilamos ako't nagsipilyo sandali at saka siya muling hinarap nang may naiiritang mukha.

“Sane, don't be mad at me!” inunahan na niya ako. “I just want breakfast!”

“Ano?!”

“I want breakfast, Sane! I'm freaking hungry!”

Naningkit ang mga mata ko. “Are you serious?”

“Yeah, breakfast!”

Napabasabunot ako sa sariling buhok at muling siyang simaan ng tiningnan. Seryoso ito at walang bahid ng pagbibiro ang itsura niya.

“Bakit? Wala bang pagkain sa inyo?”

“Meron,” sagot niya.

“Oh, meron naman pala! Bakit dito ka pa dumayo nang ganitong ora–”

“I just want to eat here!"

“Ang sabihin mo, nambubulabog ka lang talagang hayop ka!”

“Wrong!”

“Lolo mo wrong!” asik ko. “Umuwi ka sa inyo at doon ka kuma–”

“But I want you to cook for me!” putol niya sa akin. Napapikit ako sa inis. I inhaled and exhaled to calm myself. “Please, cook breakfast for me?”

Pusanggala!

Ang sarap-sarap manuntok ngayong araw. Mukhang may magbu-buenomano.

“Can you cook for me?” huminahon ang tono ng boses niya at umupo sa couch sa may ulunan ni Jahm. Ngumiti pa siya ng matamis at pinagsiklop ang mga kamay. “Please, Sane... I'm hungry…”

"Ano ako? Utusan mo?"

"Please, Rosane Avera..." may lambing sa boses nito. Napangiwi naman ako.

This is ridiculous!

"Stop being childish, Gabrielle!" iritadong turan ko. "You know our situations here and what students we are. Hindi kami ordinaryong estudyante lamang na aral lang ang inaatupag. Pagod kami araw-araw sa pagta-trabaho. Sana hindi mo makalimutan 'yon!”

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon