Abot-abot ang panginginig ng mga kamay ko kasabay pa no'n ang pagbuhos ng aking mga luha. May bumabalukol sa aking lalamunan at naghahabol rin ako sa aking paghinga.
“He will be fine,” Aven whispered. “Trust me...”
Simula nang mapunta kami rito sa hospital, siya itong umaalo ako sa akin. Ang sakit lang makitang nasa gano'ng sitwasyon si Anjoe. Parang bumalik ang lahat ng sakit nung makita kong duguan si Gabrielle noon.
Hindi maalis ang tingin ko sa pinto ng Emergency Room. Mahigit dalawang oras na kaming nandito. Wala pa ring lumalabas na doktor kaya ito ako at natataranta na.
“Aven, what happened to my fourth son?”
Kusang napaangatt ang paningin ko at dumiretso ang aking tingin sa babaeng paparating sa aming gawi. Nakita ko pang may mga kasama siyang bodyguards.
Iniwas ko ang paningin ko nang makitang dumapo ang tingin niya sa akin. Mabilis kong pinahid ang mga luhang nagbagsakan sa aking pisngi
“Rosane, hija...”
Nagbaba lang ako ng tingin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko itong lumakad palapit sa akin at umupo sa tabi ko.
“Y-You can cry on my shoulder if you want…"
Hindi ako kumibo. Pinikit ko ang aking mga mata para mapigilan ang pag-iyak ko.
Malaman ko kung sino ang gumawa nito sa kapatid ko, magkakamatayan na!
My phone rang. Mabilis kong sinagot ang tawag.
“Where are you, woman?” tinig iyon ni Ohne.
“N-Nasa ospital...”
“Did something happen to you?”
“Wala.”
“Okay, I will be there.”
Magsasalita pa sana ako nang pinutol na niya ang tawag. Napakunot ang noo ko. Sinundan naman iyon ng pagtawag ni Gariel.
“Hellapig, anong gulo na naman ang pinasok mo?” bungad niya. “Hindi ka na talaga nadala!”
“Wala akong kasalanan.”
“Damn! Nagkakagulo rito. Ikaw ang pinagbibintangan nilang sumaksak kay Anjoe! Where are you at?”
Nagpinting ang tainga ko sa narinig.
“A-Anong ako?! Wala akong ginagawang masama! B-Baka tadyakan ko ang nagpakalat ng maling impormasyon na 'yan!"
“Nasaan ka nga?!” may bahid na ng inis ang tono ng pannanalita niya.
“Nasa ospital.”
“Pupuntahan kita d'yan!”
“Huwag—”
Then the call ended.
Bastos kausap ang kingina! Magpinsan nga silang dalawa ni Ohne!
Konting hiya ang naramdaman ko nang mapansin nasa akin ang paningin ni Aven at ni Madame Rozel.
“Who called you?” kunot noong tanong ni Aven.
“Si Ohne at Gariel,” sagot ko naman sa kaniya. “Sabi ni Gariel, ako raw ang pinagbibintangang sumaksak kay Anjoe...”
“What?!” si Madame Rozel.
“Mommy that's only rumours!”
“I know that it's only a rumor but what the hell are they accusing the wrong person?!”
“Mommy—”
“Call the freaking principal now, Aven!”
Napakamot ng batok si Aven. Nakabasungot niyang kinuha sa bulsa ang cellphone at mabilis na nagpipindot sa screen.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...