I'm not a ghost. I'm breathing, existing. Just emotionally dead but continuously dying in pain.
Everything sucks. I just wanna die but I have numerous reasons to remain in this cruel world. Marami pa akong kailangang ipaglaban kahit pa ubos na ubos na ako sa walang katapusang giyera na ito.
“Konnichiwa…” pagbati ko sa bagong dating na customer habang ang paningin ko ay nasa kahera. In my peripheral vision, diretso siyang naglakad sa linya ng counter ko. “Go chūmon wa nan desu ka?” (What is your order?)
Inaayos ko ang ilang mga flyers na ipapamimigay mamaya ni Jay. Nagtaka naman ako nang hindi sumagot ang bagong dating na customer kaya nag-angat na ako ng tingin.
“Pusanggala...” Nagugulat kong saad at halos lumuwa na ang mga mata ko. Ngumisi lang siya sa akin at binalewala ang naging reaksyon ko. “A-Anong ginagawa mo rito?”
“I would like to order.”
“Bakit ka nandito?”
“What’s the best seller here?” utas niya.
“Manager Avi.”
“I need your recommendation.”
I sighed heavily. My eyes immediately heated, that's why I turned my gaze to the monitor. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?
Putcha!
Lumalim ang pagkakalukot ng aking mukha nang may sumunod na pumasok na dalawang lalaki.
“Konnichiwa, konnichiwa!” ngi-ngiti-ngiting pagbati ni Asher, bahagya pa siyang yumuyuko. Napapailing sa kaniya ang ibang customer na kumakain. Magsinabi siya gamit ang lenggawaheng Nihongo.
Ang gusto niyang iparating ay, “Hello, Rosane. I miss you!”
“Uy, where did you know that?” dinig kong tanong ni Aven. “What’s the meaning of that? Baka naman nanghuhula ka lang!”
“Alamin mo.”
“Nanghula ka lang, eh!”
“Tumahimik nga kayo,” pagsuway ko sa kanila. “Bakit ba kayo nandito?”
“We're here to visit you, Rosane.”
“Aven!”
“Relax!” he said. “We wouldn’t bother you. Promise!”
“Just finish your work first, and let’s talk later,” saad ni Manager Avi. “Give us some drinks.”
Nagbaba ng pera si Manager Avi sa counter. Napatango na lang ako at mabilis na inihanda ang kanilang inumin.
“Oh, sukli mo.” Padabog kong binaba ang pera sa table. Nakita ko namang sumimangot si Asher. “Patapos na ang shift ko.”
“Take your time. We will wait for you, Avera.”
Matapos kong i-serve ang order nila, dumiretso naman ako sa staff room. Naabutan kong nag-aayos ng gamit si Jay.
“Sino ‘yung tatlong lalaki ‘yon, Ate?” she asked. “Kamag-anak mo?”
Isang tipid na tanga ang sinagot ko. Binuksan ko ang locker ko. Kinuha ko na roon ang bag ko at sinilid sa loob ng bag ang iba ko pang gamit. Nang wala na akong narinig pang kung ano kay Jay, lumabas na ako ng staff room.
Dahil nga maggagabi na, naisipan kong dalhin na lang sila sa apartment na tinutuluyan ko. Hindi naman iyon malayo sa pinagta-trabahuhan ko kaya nilakad na lang namin.
“Pumasok na kayo, pasensya na kung masikip,” usal ko matapos mabuksan ang pinto. Nauna namang pumasok si Aven sa loob at sinuri ang kabuuan ng silid.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...