“I'm so worried, Sane!”
Mag-isa akong kinakausap ni Tita Ginnie sa library ng kanilang mansyon. “Ano na lang sasabihin ng ama mo kung malaman nila ang nangyari sa ‘yo, Rosane?”
“Tita, huwag n’yo na pong ipaalam…”
“No!” she immediately disagree. “Ipapaalam ko sa kaniya ito. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari sa iyo, hija.”
“Tita..”
“Kung ako lang ang masusunod, ipapa-transfer ko na kayo sa ibang school! Parati na lang kayo nadadamay sa mga gulo! Mabuti pa ngang siguro ipalipat ko kayo sa mas magandang paaralan na may mahigpit na seguridad!”
“Hindi naman po kailangan dahil wala na pong mangyayaring gano’n—”
“Aba’y dapat lang!” napangiwi ako ng bigla niyang inihampas sa mesa ang hawak niyang libro. “Tatawagan ko ang adviser n’yo at irereklamo ang taong nangambala sa ‘yo!”
“Huwag na po.”
“Diyos por Santo! Anong huwag na po? Ikaw ba’y naluluka na talaga, Rosane Avera? Paano kung maulit iyon? Paano na lang kung mangyaring masama ulit sa iyo? Tingin mo ba'y kakayanin ko iyon?”
Napanguso ako. “Hindi ko naman pong hahayaang maulit ‘yon, Tita.”
“Aba’y dapat lang!”
Napakamot ako sa ulo ko. Kanina pa ako rinding-rindi sa kaka-aba’y dapat lang. Paulit-ulit na rin kami sa mga sinasabi namin at paikot-ikot lang.
“Get out, I’m gonna talk to your father.”
“Yah, bakit? Tita..”
“I said, get out!”
“Tita naman, e!”
“Huwag mo akong artehan, hindi ka artista!”
Putcha!
“Lumabas ka na!” utos niya. “Luluhod ulit kayong tatlo sa bilaong may munggo kung hindi ka aalis sa harapan ko!”
Napakamot na lang ako ng batok sabay ngiwi. Bagsak ang mga balikat nang lumabas ako ng library. Lukot na lukot rin ang aking mukha. Anak ng tilapia, oo! Panibagong problema at sermon na naman ang matatanggap ko!
“Hellapig…”
Mas lalong nalukot ang aking mukha nang sumalubong si Gariel. Nang-aasar ang mukha niya, tila natutuwang napagalitan ako.
“Kailangan mo?”
Umangat ang gilid ng labi niya at tumalim ang pagtitig.
Punyemas, kung nakakamatay ang pagtitig, matagal na akong patay!
“Don’t cause trouble by yourself again, Beindz.”
“Manahimik ka, Gariel. Ako na naman ang nakita mo,” angil ko. May dinukot ako sa bag ko at inilahad iyon sa pagmumukha niya. “Oh! Ninakaw ko para sa 'yo!”
“What?!” I laughed when I saw his reaction. Nanlalaki ang mga mata. “Did you–what?!”
“Ninakaw ko nga para sa 'yo, mahal kong Gariel!”
He whispered a curse. “What's that shit? Inaasahan mo bang tatanggap ako ng galing sa nakaw?”
I rolled my eyes and my lips stretched a bit. Mariing ang pagkakatitig niya sa maliit na kahon. Nawala ang pagkairita sa kaniyang mga mata nang tuluyang mabuksan ang kahon. Kunyari pang ayaw sa binigay kong regalo, titig na titig naman siya.
Pabebe pa!
“Saka, ano ‘yon, Gariel? Don't cause—”
“Sinasabihan lang kita, mas’yado kang warfreak, eh? Sa sobrang pagka-warfreak mo, nagmumukha kang kaawa-awa.”
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...