Hindi ko na maramdaman pa ang buo kong katawan, tila ba'y tinurukan ako ng sampung beses ng pampamanhid.
Matapos kasi ang meeting sa office ng mga students council, dumiretso naman ako sa garden ng school para magdilig. Kung hindi lang ako nakita ni Mrs. Sandoval, baka mabaon ko sa limot ang punishment na ginawad sa akin. Pagkatapos kong magdilig, pinagwalis naman nila ako sa buong quadrangle at pinag-ayos ako ng mga aklat sa library.
Shutanginang pusa! Sobra-sobra ang paghihirap na binibigay nila sa isang katulad ko na ganda lang ang ambag sa lipunan!
Sumakit ang likod ko sa kakayuko. Matapos no'n, nagmadali akong bumiyahe patungo rito sa Patisserie Boulangerie, magse-seven na nga ako nang makarating.
“Late ka na,” siyang bungad ni Manager Avi.
“Sorry, Sir. May community service pa po kasi ako,” dahilan ko at nagkamot ng batok. “Babawi na lang po ako.”
“Do your work now, Avera!”
“Yes, Sir!”
Nagpalit na kaagad ako ng damit at inasikaso ang trabaho ko. Kumo nga iilang crew lang ang nandito, pahirapan tuloy sa pagligpit ng mga pinagkainan sa table. Mabuti na lang sanay na ako sa ganitong gawain kaya napapabilis ang pagliligpit namin.
Shemay, namamanhid na ang mga paa ko! Inuugat na yata!
“Rosane, table two!” sigaw ni Ate Chang. Mabilis kong kinuha ang tray para dalhin sa table nito.
“Here's your order, Ma'am, Sir!” Sabay lapag ko ng tray sa table at inihain ang mga pagkaing kanilang in-order.
“Thank you,” mahinang saad ng babae at ngumiti pa. Wala sa sariling napatango ako.
Muli akong bumalik sa counter para antayin ang ise-serve na pagkain. Sakto naman nandoon si Manager Avi, nakamasid sa mga cashier. Medyo nagulantang ako nang dumapo ang kaniyang paningin sa aking p'westo.
“How was your first day here?” he asked. “You okay?”
“Ayos naman.”
“Are you comfortable with your job?”
“Oo naman, Sir. Sisiw na sisiw!”
“But you look tired, Avera.”
“Ubos na yata ang energy ko pero kaya pa naman. Makakapagserbisyo pa ako!”
“Are you sure?” tinatansya niya ako. “You may go home if you feel tired already.”
Sasagot pa lang sana ako nang dumating si Ate Chang at may binabang dalawang tray. Mabilis ko naman iyon kinuha at dinala sa ika-limang lamesa.
Pagbaba ko no'n sa table five, napangiwi ako nang may maramdamang dumagan sa paa ko. Hindi ko naman iyon ininda pa kahit sinasadyang apakan iyon ng babae.
I heard her mocking laughed, sinabayan pa ng alipores niya. Tinalikuran ko na lang sila at hindi na pinansin ang kagagahang ginawa nila. Palihim kong sinapat ang paanan ko, may bakat ng maruming sapatos ang dulong iyon.
Nakakabanas! Kalalaba ko lang ng sapatos na ito! Peste talaga ang gagang iyon!
Saktong alas-diez nang maisipan ko nang umuwi. Balak ko pa sana mag-over time pero hindi ko na kakayanin pa dahil meron pa akong gagawin na projects. Panghabol ko raw iyon sa grades ko sabi ni Ariess. Siya kasi ang nag-abot nung listahan ng mga kulang ko at kailangan kong habulin. At saka, sumasakit na ng husto ang katawan ko, mukhang nabigla sa pagta-trabaho.
Putcha talaga!
Tahimik ang apartment nang makauwi na ako. Siguradong tulog na ang dalawa kaya kinandado ko nang mabuti ang gate at pinto. Kumuha ako ng isang basong tubig sa kusina at saka dumiretso sa aking kwarto.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...