Inayos ko ang suot kong cap na nasiko ng lalaking kasabay kong bumaba ng jeep. Parang tanga. Ang luwang-luwang ng daan, nasiko pa ang ulo ko. Kung hindi lang ako nagmamadali baka nasita ko na siya.
Nandito na ako sa tapat nung malaking building na may nakalagay na 'Alpha Prive Royal House'.
Hotel yata 'to, eh?
Nilingon ko ang mga taong papunta sa lugar na iyon. Ang ilan sa kanila, nakasuot ng formal suit. Ang iba naman, parang kinulangan sa tela. Nag-angat ako ng tingin at pinakatitigan kung paano pumapasok ang mga tao sa loob.
Nakita ko ang isang lalaki na may pinirmahan at doon pa lang siyang pinapasok nung dalawang guard o bouncer. Ang lalake kasi ng katawan nila.
“Paano ako makakapasok na building na 'to?” bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at sinubukan ko ulit na tawagan ang numero ni Papa. Nagri-ring lang ito gaya ng kanina. Napahinga ako ng malalim. Nagmessage na lang ako.
Ako:
Nasa Alpha Prive Royal House ako. Nandito ka ba? Kung wala, sabihin mo agad. Kung nandito ka naman, sabihin mo rin agad. Ano bang lugar 'to?Nilagay ko na ulit sa bulsa ng jacket ko ang cellphone matapos mai-send ang message. Hindi ko alam kung makikita iyon ni Papa. Bahala na, basta papasukin ko na ang lugar na ito.
“Miss!” Hinarangan ako nung isang sekyu. “Bagong salta ka rito, ano? Anong pangalan mo?”
“Rosane Beindz.”
“Anong pinunta mo rito?”
Hindi ko naman alam ang isasagot ko. May nakita akong lalaking naka-uniporme na pang baseball.
“Ah, p-player po ako ng baseball,” saad ko. Nakita kong umangat ang kilay nung lalaki.
“Beindz, apelyido mo?” tanong nung isa pang sekyu. Tumango naman ako sa kaniya. “Sige, papasukin na iyan.”
Gusto kong magtatalon sa tuwa pero pinigilan ko. Sinamaan ako ng tingin nung isang bouncer. Nagdire-diretso ang pasok ko. Sinusundan ko lang 'yung ibang tao kung saan sila pupunta.
Gaga ka talaga, Rosane!
“Boss, sa third floor. Nagkakainitan ang ilang mga business man. Hindi matalo-matalo 'yung isang baguhan simula pa kahapon.”
“Paanong nangyari iyon?!”
“Hindi ko alam, Boss. Wala pa raw nakatatalo sa lalaki simula kahapon. Nalulugi na nga ang iba.”
“Gusto kong makilala ang lalaking iyan. Doon tayo dumiretso!”
Ang angas naman no'n! Mukhang magaling ang lalaking tinutukoy nila! Magkano na kaya ang hawak niyang pera ngayon? Nasa milyon na kaya?
Na-curious naman ako kaya sumunod ako sa dalawang lalaki na nag-uusap kanina. Pumasok sila sa elevator kaya sumabay na rin ako. Hindi naman nila akong nahalatang sinusundan ko sila dahil sinadya kong magkaroon ng medyo malayong agwat.
Kahit sa elevator, iyung lalaki pa ring hindi matalo-talo sa sugalan ang pinag-uusapan nila. Ang iba, natatawa. Ang iba naman ay naiinis at nagagalit. Malaki na raw ang natalo nila simula kahapon. Bumalik lang daw sila ngayon para bawiin ang lahat ng hawak nung lalaki.
“Beindz ang hinayupak na iyon, manang-mana sa ama niya.”
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa narinig. Si Papa ba ang tinutukoy nila?
Pusanggala!
I swallowed hard.
Bahagya akong kinabahan. Humigpit ang pagkakahawak ko strap ng bag ko. Palihim kong tinitingnan ang itsura nila. Tinatandaan ko ang mga mukha nila. Mahirap na, baka magkagulo mamaya.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...