67

7 1 0
                                    

"Miss Beindz."

After long talked about my new issues, Mrs. Delman and Mrs. Alegre gave me a punishment. Tutulong daw ako sa pag-aayos ng event para sa party. Higit pa roon ay maho-hold ang pagkakaroon ko ng certification para ma-promote as a grade eleven student. As usual, sino ako para magreklamo? Wala. Isa lang akong dakilang basagulera ng LSU.

Mukha bang may pakialam ako sa paghold nila ng certification ko? Aaminin kong deserve ko iyon at hindi naman talaga ako nag-aaral ng mabuti. Pero kung ipagpapatuloy nila ang pagma-manipula sa akin. Aba, matira matibay.

"Miss Beindz..."

Pesteng buhay! Paglabas ko ng Principal's Office, dinala ako ni Mr. Tengco sa Detention Room. Nanatili ako roon ng dalawang oras at kalahati. Pinagsulat pa ako ng letter na halos umabot ng five pages!

Kaya dumiretso ako sa field makatapos lumaya sa bilibid! Hindi ko naman namalayang nasa harapan ko si Syrone sa sobrang pagkakatulala ko.

"Miss Beindz?" Kumaway-kaway siya. "Are you with me?"

"Bakit?"

"Can I seat beside you?" he asked. Bahagya akong tumango bilang pagpayag. "Are... Are you okay?"

"Oo."

"May mga kalmot ka."

"Natural, nakakipag-away ako, eh. May palibreng blush pa nga."

"S-Sorry."

Kumunot ang aking noo. "Bakit?"

"I'm sorry, I wasn't able to-"

"Ayos lang..."

Napahikab ako, mukhang inaatake na ako ng antok gayong putok na putok ang araw.

"Do you like him?"

Nagtataka akong lumingon kay Syrone. Sino naman ang like ko? Si Jungkook ba? Ey, love na love, mare.

"Do you like him?"

"Sino?"

"You know who I am talking about."

Ngumiwi ako. "Hindi ako magtatanong kung alam ko."

He sighed. "Do you like him? My best friend? Ohne Karl Duero?"

Lumukot ang aking mukha. "Si Ohne? Bakit?"

"Do you have feelings for him? Do you like him?" seryosong tanong niya. Diretsong-diretsong nakatingin ang mga mata sa akin. "Do you like him, Miss Beindz?"

Bumuntong hininga ako. "Gusto ko siya..."

"W-What?"

"Gusto ko siya," ulit ko. "Bilang tao..."

"How about as a boy or man?"

"Bakit mo tinatanong?"

"I'm curious."

"Bakit ka curious?"

"What?"

"Bakit ka curious kung ano ang nararamdaman ko sa kanya? Gano'n ka ba talaga ka-tsismoso?"

Natigilan siya. Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

I sighed heavily. Binalik ko ang aking tingin sa field. Sumandal ako sa bench at saka pinikit ang aking mga mata.

"Habang tayo pa, Syrone. Hindi ako p'wedeng magkagusto sa iba," usal ko. "Nire-respeto ko ang nararamdaman mo at ayokong nakikita kang nasasaktan ng dahil sa akin."

"Miss Beindz..."

"Sana gano'n ka rin..."

Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako nung nangyari kanina. Medyo nakaramdam ako ng pagkapahiya. Ang akala ko, tutulungan niya ako.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon