Maagap kong binulsa ang aking cellphone nang tangkain silipin iyon ni Ohne. Umangat ang kilay niya, nanunuri, at unting-unting tumalim ang tingin niya.
“Ano?” singhal ko.
Hindi naman siya sumagot, nagdire-diretso na ang paglakad niya at iniwan na ako.
Nagkibit balikat na lang ako saka sumunod pabalik ng classroom. Nandoon na silang lahat. Mukhang ako na lang yata talaga ang kulang.
Nahagip ng paningin kong nahulog ang ilang mga papel mula sa armrest ni Syrone. Nakabenda pa rin ang isang braso niya kaya hirap siyang kumilos.
“Ako na,” sabi ko nung akma niyang pupulutin ang mga nahulog na papel. Hirap na nga siyang kumilos, ayaw pang humingi ng tulong.
“Thank you.”
Inisa-isa kong damputin at inilagay sa armchair niya. Kinuha ko sa bulsa ko ang kending nakuha ko mula table ni Miss Jing. Nagbaba ako ng apat na piraso.
“What is that for?”
“Ayaw mo?” tanong ko. “Wala 'tong lason, 'no!”
Ngumiti siya. “Thanks!”
Tumango lang ako sa kaniya at saka bumalik na sa upuan ko.
“Witch, can I have some candy, too?” si Jameson. “Saan ka kumuha ng potchi?”
“D'yan lang, bakit?”
“Pahingi ako,” turan niya. “Nakakaulaw kasi 'yung kinain ko kanina. Parang masusuka ako. Bigyan mo na ako ng kendi. Isa lang!”
Inis akong dumukot sa bulsa ng blazer ko at saka padabog na binigay sa kaniya iyon. Para naman siyang batang tuwang-tuwa.
“Uto-uto ka naman!” tumawa pa siya. Babatukan ko sana siya nang mabilis siyang lumayo. “Joke lang!”
Sinamaan ko siya ng tingin. Dumukmo na lang ulit ako at saka pumikit. Hindi pa man ako nananaginip nang biglang may tumapik sa balikat ko kaya napaangat ako ng ulo.
“Miss Beindz,” pagtawag nito sa pangalan ko. Hindi ko naman kilala ang teacher na iyon.
“Sorry, Ma'am,” saad ko at tumayo ako sa aking upuan at tatangkain ko sanang bumati pero sumenyas itong umupo ako.
“Here,” may inabot itong mga papel. “Answer this within thirty minutes. If you get a passing score, I'll accept you in my subject.”
Siya na ang kusang nagbaba noon sa armchair ko. Tinitigan ko naman ang mga papel. Hindi pa ako nakakapag-aral. Ano ang isasagot ko sa mga papel na iyan?
“Your time starts now...”
Kinuha ko ang aking ballpen sa bulaa ng blazer ko. Nagmadali naman ako sa pagsasagot. Hindi naman ako gano'n katalinuhan kaya binasa ko nang mabuti ang mga tanong.
Bahala na!
Makapasa man o hindi, wala akong pakialam. Hindi naman uto kabawasan sa kagandahan ko.
Pumihit ako ng malalim na paghinga. I gave my all attention to answering the paper.
“Go, Hellapig...”
Hindi nakatakas sa aking pandinig ang bulong na iyon. Napatingin ako sa kisame at kunyaring nag-isip ng isasagot. Makalipas ang ilang segundo, hinulaan ko na lang ang mga sumunod na tanong.
“Fifteen minutes left!” naroon naman ang paalala ng guro. Saglit pa akong napatingin sa ilan, mga walang ginagawa. Nakatingin pa ang sila sa akin, hinihintay siguro ang magiging resulta nito.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...