38

19 1 7
                                    

"A love letter, huh?" 

Mabilis kong nilamukot ang papel at inilagay iyon sa bulsa ko. Narinig ko namang humalakhak si Gariel.

"Listahan ng mga utang 'yon," inis kong iniwas ang paningin sa kaniya. Kinuha ko ang aking bag at muling lumakad palabas ng backstage.

"Where are you going, Hellapig?" pahabol na tanong niya.

"Impyerno, sama ka?" 

Hindi ko na siya narinig pang sumagot. Nagpatuloy na ako sa paglalakad para pumunta sa locker room. 

Pagdating ko sa locker room, naabutan ko si Mayen at Dianaya doon. Pareho itong nag-iwas ng tingin. Hindi na lang ako kumibo. Binuksan ko ang locker ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang cellphone ko sa loob.

Sino naman naglagay nito rito?

Dinampot ko ang cellphone at saka tinurn-on. Hindi naman bumukas dahil lowbat. Nilagay ko na lang sa bag. Sinuri ko muli ang loob ng locker ko. Napakunot ang noo ko nang may mahagip ang paningin ko na isang kahon. Kinuha ko iyon at hindi nagdalawang isip na buksan. 

"Chocolates?" wala sa sariling naiusal ko. Isang damukal na chocolates ang laman ng kahon. "Kanino naman galing 'to?"

Napailing ako, binalik ko ulit sa locker ang kahon at saka muli itong sinara. Lalakad na sana ako paalis ng may humawak sa braso ko. 

"Rosane..." 

Nilingon ko siya, it was Mayen. Napatingin din ako kay Dianaya.  

"We're sorry," magkasabay na wika nila at yumuko pa.

I sighed.

"Rosane, sorry sa lahat nang nasabi ko," maiyak-iyak na wika ni Dianaya. Akmang luluhod pa ito nang pigilan ko kaagad siya. "I'm sorry, nadala lang ako ng emosyon ko. Hindi ko sinasadyang masabihan ng kung ano si Gabrielle..."

Naiintindihan ko naman kung ano ang nais niyang iparating nung mga oras na nag-away kami.

"Nagsisisi na ako sa lahat ng nasabi ko. Hindi dapat ako naniwala sa sinabi ni Jova. In the first place, kayo ang mga kaibigan ko."

"Me too," usal ni Mayen. "I got mad at you, Rosane. Hindi lang talaga ako makapaniwala na patay na si Gabrielle at ikaw ang sinisisi nil—"

"Just forget it," putol ko sa kaniya. "Kaibigan ko kayo, alam ko kung bakit naging gano'n ang reaksyon niyo. Pero sana sa susunod magtanong muna kayo bago kayo magalit sa tao."

Pareho silang tumango.

"Sorry din pala kung hindi kami nakadalaw sa 'yo nung nakaraang linggo. Pumunta naman kami sa apartment niyo pero wala na kayo doon nina Jahm."

"Yeah," sang-ayon ni Mayen. "I texted you naman pero hindi ka nagre-reply."

"Nawala kasi ang cellphone ko," wika ka. "Ngayon ko pa lang nakita."

Ngumiti sila sa akin. Inaya na nila ako palabas ng locker room at sabay-sabay na pumunta sa arts club. Habang naglalakad kami, napansin ko ang mga ilang estudyanteng napapalingon sa gawi namin.

"Is that Rosane?"
"Nakalabas na pala siya ng hospital?" 
"Obvious naman, ‘di ba?" 
"Mayaman pala siya, ‘no?" 
"Grabe! Multi-Millionaire!" 
"Nakakatakot maging kaaway 'yan."
"Oo nga, baka bigla ka na lang ipadampot."
"Mga tanga, kaibiganin na lang natin."
"Oh, gold digger is here!"
"I heard friends din sila ni Aven!"
"This is our chance para mapalapit kay Aven!"

Hindi ko pinansin ang mga bulungan nila. Hindi ko naman kasi maintindihan para silang mga bubuyog. As I expected, maraming tao ang nakapalibot sa Arts Club.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon