17

19 5 0
                                    

Mag-aalas sais ng umaga nang pumasok ako sa school. Masyadong maaga para sa oras mismo nang simula ng klase ngunit kailangan ko talagang pumasok ng maaga para hindi ako makita sa gagawin kong kalokohan.

Suot-suot ko ang madalas kong suotin na itim na sumbrelo. Tinernuhan ko rin ng jacket na itim na bagay lang sa school uniform ko. 

Nakayuko lamang ako habang tinatahak ang building namin. Kailangan kong maging maingat para walang makapansin sa gagawin ko. Minadali ko ang paglalakad para marating na kaagad sa fourth floor. 

Pagdating ko sa floor namin. Gaya ng inaasahan, wala pang tao roon. Inilabas ko sa bag ang mga bagay na makakatulong sa paghahanap sa killer. Maingat kong inilagay ang mga bagay sa iyon sa likod ng board, ilalim ng teacher's table at sa likod ng bulletin board. 

Hindi ko pinagdududahan ang mga halimaw kong kaklase pero hindi ko maiwasan. Sana lang ay mali ang hinala ko. Bulok na ang section namin, bulok pa ba sa pag-uugali?

Nang ma-set up na ang lahat kaagad ko tinawagan ang mapagkakatiwalaan ko pagdating sa teknolohiya. 

“Zinnie,” bungad ko, at siya naman tumawa na parang naluluka. “Nailagay ko na lahat sa buong room.”

Nagmasid ako sa paligid baka may makarinig sa akin. Nakakatuwang isipin na nandito ako ngayon, at nabubuhayan ng loob. Biglang nag-alab ang galit sa puso ko matapos akong pagsabihan ni Zinnie kagabi.

“Sa locker room ng boys, maglagay ka rin! Malakas ang kutob kong lalaki ang killer! Shitness! Anong meron d'yan sa school na pinapasukan mo?”

“Mga halimaw, Zinnie.”

“Shitness! Seryoso? Halimaw?!" 

“Balitaan mo na lang ako kapag—”

“Not so fast, baby!” 

I mentally rolled myself. Malamang may kapalit ang pagtulong niya sa akin. Ano nga bang aasahan ko sa lukaret na ito. 

“Spill…”

“Kailangan ni Violet ng tulong at ikaw lamang ang makakatulong sa kaniya!”

Umangat ang aking kilay, naging seryoso ang boses nito. 

“Anong klaseng tulong naman?”

“Mahirap ipaliwanag thru calls! I need to see you para maipaliwanag ko nang maayos!”

“Sabihin mo sa akin kung pupunta ka dit—” 

“No! Ikaw dapat ang pupunta dito! Haler! Malapit lang naman ang United School!”

“Pusanggala! Three hours ang papunta d'yan!”

Humagalpak siya ng tawa. “Problema mo na 'yon, Baby Rosane!” 

I scoffed. Pinatay ko na ang tawag at pumunta akong rooftop para roon magpalipas ng araw. Kung iisipin, ngayon ang unang beses na magka-cutting class ako ngayong school year.

Madalas kasi akong pigilan ni Gabrielle na mag-ditch ng class. Hindi raw magandang gawain iyon. Nakakabastos daw sa teacher dahil parang hindi mo raw ginagalang ang serbisyong binibigay nito sa pagtuturo.

Bahagya akong nagulat nang makita nandoon ang tatlo kong kaklase na lalaki. Mukhang hindi rin nila akong inaasahang mapaparaan dito dahil nandoon ang gulat sa mukha nila.

“Good morning, Rosane!” unang nakabawi sa kanila si Persus. "Ang aga mo ngayon, ah! Kanina ka pa riyan?  Bakit ka pumasok? Okay ka na?” 

I blinked. I don't want to answer him. 

He chucked. “Siguro, okay ka na... Kumain ka na ba?” 

"Come here, join us," si Menases, tinuro pa ang mga pagkain sa harapan nila na nakalapag sa isang maliit na mesa. 

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon