48

13 2 0
                                    

“I'm sorry, Syrone.”

Bahagya pa akong yumuko sa kaniya. Nasa counter area kami ngayon. Ibibigay ko na sana ang pera ko sa cashier nang unahan na ako ni Syrone. Inabot nito ang credit card niya at ang form na pinirmahan namin kanina.

“Don't worry, Miss Beindz. You don't need to say sorry. In fact, ako 'tong may kasalanan dahil sinabi mong tumabi ako pero sinubukan pa kitang saluhin from second floor.”

“But still... I'm sorry. Ano na lang sasabihin ng mommy mo kapag nakita kang gan'yan. Ngayon pa lang, nahihiya na ako.”

“Don't be, Miss Beindz,” sabi niya sabay iling. “And, don't be worried about me, please?”

“I feel guilty for what has happened.”

“Woah!”

Nangunot ang noo ko sa naging reaksyon niya. Ang weird naman nito.

“Bakit parang namangha ka pa?”

Ngumiti siya. “I thought, I'm just nothing to you. Ngayon, you felt guilty and worried about me.”

“What?”

“At least may nararamdaman ka para sa akin.”

“W-What? Are you kidding me?”

“You have feelings for me,” diretsang turan niya. “Guilty and worry! That's enough for me now.”

Pusanggala!

Ang weird ng kingina!

Napaiwas na lang ako ng tingin. Mabuti at nabaling ang atensyon niya sa cashier. Tumabi muna ako sa isang gilid.

“Let's go? Tapos na bang magbayad si Syrone?” namilog ang mga mata ko nang may i-abot si Gariel. “Use this... Ayaw kitang buhatin palabas.”

“Anong gagawin ko sa saklay na 'to?” nagugulat kong sabi. “Nakakalakad pa naman ako nang maayos, 'no!”

“Arte mo!” asik niya. “Nagmamalasakit na nga ako, oh!”

“Balik mo na 'yan kung saan mo nakuha. Kaya ko namang maglakad ng walang saklay.”

“I paid for that, Hellapig!”

“Oh?” napangiwi ako. Mukhang nanunumbat pa siya. “Eh, 'di salamat!”

“Tss, let's make a deal here.”

Umayos siya nang pagkakatayo. Nagtaka ako nang sumeryoso ang mukha niya. Naku, mukhang seryoso rin ang sasabihin.

“Anong klase'ng deal ba?” kunot-noong tanong ko.

“Tss, nevermind!”

Ay, gago!

“Ano nga?”

“Wala, just forget it!”

“Gulo mo!”

“But I have one request,” bumalik sa pagkakaseryoso ang tono ng pananalita niya. “Sane, don't fall in love with my cousin...”

I frozed.

What the hell is he saying?

“Ano?”

“Don't fall for him,” he said, dumiretsong tumama ang tingin sa mga mata ko. “Fall for me instead.”

“Hoy!” Binatukan ko siya. “Ano na namang biro 'yan? Ha! Hindi nakakatuwa!”

“What?” he smirked. “You like my cousin, don't you?”

Napairap ako. “Stop asking me like that.”

“Why? Are you still have feelings with your ex-suitor?” mahihimigan ang pang-aasar sa boses niya.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon