78

2 0 0
                                    

“A highschool girl's jaw-dropping sexiest photos are now trending!”

Pusanggala!

Naibuga ko ang iniinom kong kape nang maagaw ng telebisyon ang aking atensyon. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakikita kong mga litrato.

“Isang teenager girl ang pinagkaguluhan ng mga netizens sa social media matapos maglabas ng newest magazine ang Arcon Modeling Agency!” pahayag ng reporter. “Talaga namang napukaw niya ang atensyon ng mga netizens dahil sa angking kagandahan.”

“Punyeta!”

“Sinusubukan naming makipag-ugnayan sa management ngunit wala pa rin itong tugon,” dagdag pa ng reporter.

Nandidilim ang paningin kong kinuha ang remote at pinatay ang pesteng TV. Tangina naman. Ano iyon?! Bakit iyon inilabas ng punyetang agency?! Tangina! Kakasuhan ko sila!

“Why did you turn off the TV? May inaabangan akong balita,” nariyan na pala si Ohne galing kusina. I immediately rolled my eyes on him. “What? Did I say something wrong?”

I sighed. “Wala naman...”

He raised his brow.

“Wala nga.”

“You're frowning... What are you thinking? What's wrong?” sunod-sunod niyang tanong. “Hey!”

“Magka-kape lang ako. D'yan ka muna!” agad akong naglakad patungo sa kusina para magkape. Ayaw ko munang sabihin iyong nakita ko kanina sa kaniya dahil nakakahiya. Tapos, ang pangit ng itsura ko ro'n. Putangina... Cringe!

“Hoy, Zenric!” naibulalas ko nang madatnan siya sa kusina. “Mabuti naman at maaga kang nagising. Marami akong itatanong sa 'yong hayop ka.”

“Can't you wait? P'wede bang pagkapihin mo muna ako?”

“Gan'yan din sinabi mo kahapon hanggang sa hindi mo matapos-tapos. Ano ba? Aabutin pa ba tayo rito ng isang taon?”

“Relax, okay?” asar siyang nagpaikot ng mga mata. “I'm just giving you a time and hinihimay-himay ko lang para hindi ka mabigla.”

“May karapatan pa ba akong mabigla? Matapos ang lahat ng nangyari sa akin?” sarkastimo akong napangisi. “Tangina 'yan! Puro na lang pasakit! Kailan ba ako sasaya? Patayin niyo na lang ako!”

Nahinto siya sa paghalo ng kape niya. Sandali pa siyang napatulala sa sahig. Bigla naman akong nakonsensya sa sinabi ko. Bwisit na iyan!

Tumikhim ako. “Sino ang ina ni Ravi? Nasa'n siya at bakit iniwan niya ang anak niya?”

Humigop muna siya ng kape bago sumagot. “Si Ate Rory...”

“Rory? What?”

“We're triplets, Rora. Have you forgotten? The eldest is Ate Rory, sumunod ako, at ikaw ang huli.”

Nagsalubong ang kilay ko. “W-Wala pa akong masyadong matandaan. Hindi ko matandaan ang mga mukha niyo pero alam kong may kasa-kasama akong dalawang bata noong limang taon ako. Iyong pangalan mo natatandaan ko dahil nakasulat iyon sa journal ko. Pero iyong kay Rory? Hindi ko na matandaan...”

“It's fine, Rora.”

“Ang hirap pala ng ganito... Akala ko kilala ko na ang buo kong pagkatao. Hindi pa pala,” napangiwi ako at bumuntong hininga ulit. “Ang gara lang. Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo. Bakit ako pa 'yung may ganitong klaseng buhay? Bakit ang swerte-swerte nung iba? Bakit sila masaya? Bakit ako ang malas palagi? Nakaramdam nga ako ng saya, panandalian nga lang. Kinuha rin kaagad sa akin. Bakit iyong mga maiitim ang budhi, ang tagal mamatay? Bakit si Gabrielle na napakabuti ng puso, kinuha kaagad? Bakit siya? Bakit hindi na lang ako? Sa tutuusin, mas makabuluhan ang buhay ni Gabrielle. Mas mahalaga ang buhay niya, mas worth it kung siya ang mabubuhay. Kasi siya mayroon siyang masayang pamilya, marami siyang pangarap, hindi magulo ang buhay, marami siyang kaibigan, napakabait niya... sobra. Tapos ako, ganito lang, oh! Bakit hindi na lang ako ang kinuha?”

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon