12

18 4 0
                                    

Maaga akong nagising kaya maaga na rin akong gumayak. Ginising ko ang dalawa bago umalis at sinabing dadaan na muna ako sa Area 16 para bumili ng almusal, at di-diretso na rin sa pagpasok sa eskwelahan. Tinatamad kasi akong magluto, wala akong ganang kumilos-kilos.

Habang tulala ako sa daan, siya namang walang tigil na pagkabog ng malakas ng aking dibdib. Ang kabang kahapon ko pa nararamdaman ay hindi pa rin nawawala. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

Pagpasok ko sa classroom, hinanap kaagad ng aking mga mata si Gabrielle ngunit ni anino niya ay hindi ko nadatnan. Kumunot ang noo ko at napatingin sa suot kong wrist watch. Mag-aalas syiete na, wala pa rin siya. Anong meron?

“Uy, burger! Para sa akin ba ‘yan?” Akmang hahablutin ni John Force ang paper bag na hawak ko nang ilayo ko na sa kaniya. “Ay, hindi pala para sa ‘kin! Sakit mo, Rosane! Damot mo!”

“May sponsor ka? Bumili ka.”

Tumawa lang siya, hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa upuan ko. Samu’t saring mga tsismis na naman ang naririnig ko ngayong umaga.

Kina-career talaga nila ang pagiging tsismosa. Palihim akong umirap. Kinuha ko ang journal ko at nagsulat doon ng tahimik. Napahinto laamang ako nang biglang may sumigaw. Galing sa kabaling classroom, pumasok siya sa aming silid at kaagad namang pinagkaguluhan siya ng mga kaklase ko.

“Hoy! Nabalitaan n’yo na ba?!”

“Anong nabalitaan?”

“’Yung natagpuang patay!”

“Ha? Anong patay? Saan?”

“Kaloka! D’yan sa tabi! ‘Yung abandunadong palikuran do’n! Grabe! Nakabigti si—”

“Totoo ba ‘yan?! Baka tino-talk shit mo kami?”

“Tanga, hindi! Nakita ni Gensen ang bangkay!”

“Seryoso ba?!”

“Lumabas kaya tayo nang makita natin!”

Dali-dali silang lumabas ng silid nang marinig ang tsismis mula sa isang mosang. Hindi ko alam kung tsismis lang ba iyon o totoo na. Mukhang takot na takot ang mosang at nandoon amg panginginig ng mga kamay niya.

Sa tabi ng classroom namin ay may isang bakanteng banyo. Walang gumagamit sapagkat maraming sira ang loob. Madalas doon nagtatago ang mga halimaw kong kaklase para manigarilyo o kaya humithit ng damong sinasabi nila. Minsan pa ngang nakita kong may hawak silang isang pakete at ang mga halimaw naman ay hindi natatakot na baka isumbong ko sila. Bagkus, inalok pa ako kung gusto ko ba raw tikman ang batong sinasabi nila. Hindi ko na lamang sila pinansin at pinabayaan na lang dahil hindi naman ako uunlad kung isusumbong ko sila sa nakatataas.

Napansin kong ako na lang pala ang tao sa loob ng classroom. Hindi ako nag-abalang sumunod sa mga peste kong mga kaklase, baka nga tsismis lang. Prenteng nakaupo lamang ako sa aking upuan at tinatapos ang sinusulat ko sa journal.

Mula sa labas ng classroom, dinig na rinig ko ang mga hinaing, reklamo nila, mayroon ding sumisigaw at parang hindi makapaniwala sa nakikita.

“Ano kaya iyon?” bulong ko sa aking sarili. “Tsk! Bahala silang mag-ingay…”

Kinuha ko ang cellphone ko at tinipa ang numero ni Gabrielle. Kumunot ang aking noo dahil ring lang iyon nang rinig.

“Pusanggala! Alas syiete nang mahigit! Bakit wala ka pa rin?”

Nang hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko, tinadtad ko na siya ng text.

Ako:
Gabrielle, bakit wala ka pa? First time mong ma-late ngayon, ah! Bakit? May problema bam

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon