Umagang-umaga, bumungad sa akin ang isang mensaheng mula kay Mrs. Delman. She tried to save my scholarship pero huli na raw ang lahat. Marami raw akong nilabag na rules against sa regulations ng scholarship, idagdag pang bumaba ang grades ko, walang mai-compute dahil hindi ako nagpapasa ng mga activities. Nasabi niya ring suspendido ako ng ilang araw.
Hindi na ako nagreply pa. Wala naman akong sasabihin sa kaniya. Alangan namang sabihin kong ikinatutuwa ko ang pagsuspendido nila sa akin? Eh, ‘di baka tuluyan akong na-kick out!
Matapos kong gumayak, bumaba na ako sa dining area at naabutan kong kumakain ng tahimik ang pinsan ko. Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin nang makita kong namumugto ang mga mata niya.
He's definitely not okay.
Wala kaming kibo sa isa't-isa hanggang sa matapos kumain. Pumunta naman ako sa kusina para kuhanin ang gamot ko. Nangunot ang noo ko nang mapansin nakatingin si Manang Lucy sa akin habang umiinom ako ng gamot.
“Bakit po?” nagpunas ako ng bibig saka hinarap siya.
“Wala, hija.”
I just nodded a bit. Bumalik ako sa dinig area at sinuri ang pinsan ko.
Ang bigat-bigat ng awra rito sa bahay ni Havier. Pati ang mga kasambahay, tila nahawa na rin sa kalungkutan niya.
“Where are you going?” he asked. “You're suspended, right?”
“Sa trabaho ko,” sagot ko sa kaniya. “Doon ko lang uubusin ang oras hangga't hindi pa ako p'wedeng pumasok.”
“Take care of yourself, avoid trouble, please?”
“Magpahinga ka,” sabi ko naman sa kaniya. He was just nodded. “Call me if you want someone to talk, okay?”
Hindi ako sanay na makitang namumugto ang mga mata niya. Muli siyang tumango sa akin. May gusto pa sana akong sabihin sa kaniya ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili kong magsalita. Tinapik ko ang balikat niya saka pumihit papaalis.
Ang daya ng mundong ginagalawan ko. Bakit kailangan maging malungkot ang mga tao? Hindi pa p'wedeng maging masaya na lang kami habang-buhay? Hanggang sa mamamatay? Mahirap bang hilingin 'yon? Mahirap bang ibigay 'yon?
Nakarating ako sa pinagta-trabahunan ko nang hindi ko namamalayan. Nanlaki pa ang mga ko nang makitang nasa tapat na ako nito.
“Ang aga mo, hija,” si Manang Clara ang nabungaran ko. “Wala ka bang pasok?”
“Wala po.”
“O, s'ya, sige. Magpalit ka na ng damit mo. Siya nga pala, linisin mo muna ang glass wall hangga't hindi pa dumarating ang ibang customer.”
I nodded.
Dumiresto ako sa staff room at nagpalit ng damit. Sinuot ko rin ang apron at cap. Nang matapos, kinuha ko ang panglinis at sinimulang linisin ang glass wall malapit sa entrance door.
“Trabaho ni Manuel 'yan, ah,” sabi nung guard.
“Inutusan po ako ni Manang Chara.”
“Naku, iyong talagang matandang 'yon,” mahinang angil niya at humalakhak. “Pinapalinis ang mga bagay na malinis na. Sige, hija. Ipagpatuloy mo lamang ang ginagawa mo.”
Napatango ako sa kaniya. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nainis naman ako dahil mayroon nakadikit na bubble gum.
Putek!
Hindi na ito matatanggal!
Kahit pa pilitin ko itong tanggalin, hindi na talaga matatanggal pa. Inis ko na lang tinapos ang pagpupunas ng glass wall. Nang matapos ako, dumiresto ako sa banyo para linisin iyon.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...