Matapos ang puspusang pagpa-practice ngayong umaga, pumuslit ako saglit papuntang canteen para kumain. Ito lang naman kasi ang pinakamalapit na kainan sa Music Club. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko sa gutom.
"Cheese burger at isang adobo with rice po," sabi ko sabay turo sa mga sinabi ko. Grabe! Nakakapagod magkabisa ng mga piyesa. Lagot ako kapag nakalimutan ko iyon sa Lunes!
Pusanggala!
Ang leader pa ng grupo namin si Gariel. Ang sungit-sungit. Konting mali lang, sinisigawan niya kaagad. Badtrip ang kingina!
Nagkamali lang ako ng pagtipa kanina, nagalit at sinigawan na ako! Letche siya!
"Nakatulala ka na naman! Focus!"
Ilang beses ko tuloy siyang namura sa isipan ko. Matapos ang practice. Nagpa-meeting siya. Kahit nagme-meeting pa silang mga ka-grupo ko, palihim akong umalis at dumiretso rito.
Pag-upo sa table, nilantakan ko na ang mga pagkaing binili ko. Kanina pa kasi ako nagugutom. Nakalimutan ko pang mag-almusal kanina.
"Sarap nang kain mo, ah?"
Napahinto ako sa pagnguya. Sinalubong ko ang tingin niya.
"Um-order ko ro'n, luka. Tapos na ba ang rehearsal mo?"
"General practice ngayon. Tumakas ako kasi kanina pa ako nagugutom!" Humagalpak pa ng tawa ang gaga.
"Bumili ka na ng pagkain mo at kumain ka na. Parehas lang tayo, tumakas lang din ako."
Parehas kaming natawa.
"Gaga ka! Masungit kaya si Mrs. Tui! Sure akong pagbalik mo sa club, bengga ka sa kaniya!"
"Nagugutom na ako, eh," sabi ko. "Dito nga ako pumunta sa canteen para hindi kaagad ako mahanap."
"Luka!"
Natawa lang ulit siya. Pumunta na siya sa counter at um-order ng pagkain niya.
Tinext ko naman si Jahm.
Ako:
Nasa canteen kami ni Jorja. Dito kami kumakain. Lunch break n'yo na ba?Mabilis naman itong nagreply.
Jahm:
Papunta na ako d'yan. Bakit sa canteen kayo at hindi sa cafeteria?Ako:
Tumakas lang kami.Jahm:
Mga lukaret talaga kayo. Sige, wait n'yo lang ako.Ako:
Sige.Tinapos ko ang pagkain ko para makikipagkwentuhan na lang ako sa kanila mamaya. Tumunog ang cellphone ko at mabilis kong binasa ang natanggap na message.
Unregistered number:
Hi, this is Syrone. Pumasok ka ba? Are you here at school?Ako:
Why?Sinave ko ang number niya.
Syrone:
By any chance, have you already been to the office?Ako:
No. Why?Syrone:
There are two green folders on my table. Can you bring those here?Ako:
Saan? Gym?Syrone:
Yes, please. Can you?Ako:
Okay.Pinatapos ko munang kumain si Jahm ng dumating ito. Nakipagkwentuhan muna ako sa kanila. Na-miss ko sila ng sobra. Pakiramdam ko, ang tagal-tagal ko silang hindi nakasama.
"Samahan mo kami bukas, ah, Rosane?"
"Saan, Jorj?" ngumuso ako. Paniguradong gastos na naman ang tinutuloy nito.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...