15

27 4 0
                                    


“Good morning, class.”

Nagsitayuan ang lahat nang dumating ang first subject teacher para sa umagang ito. Hindi naman ako nag-abala pang sumabay sa kanila, hindi ko maibuka ang aking bibig. Tila na pipe na ako. Idagdag mo pang parang lumalakbay ang diwa ko. Wala ako sa wisyo, wala ako sa sarili ko.

“Good morning, Mrs. Manero...” bati rin ng mga halimaw.

“Take your seats now.”

Pagkapahayag niyang iyon ay agaran akong naupo at tinitigan ang gurong nasa harapan.

“Alam kong nalulungkot kayong lahat sa pangyayaring pare-pareho nating hindi inaasahan. Ngunit sana ay mapawi ang inyong kalungkutan sapagkat hindi rin matutuwa si Mr. Aeñoso kung ganyan—”

Nagtaas ako ng kamay. Kahit hindi pa niya tinatawag ang pangalan ko, nagsalita na ako.

“Can I ask something?” mahina at paos na pala ang aking tinig. I think she find me rude by this time. “P-Please, allow me to ask something…”

“Yes, Miss Beindz.”

I stood up. I gulped and sighed before I spoke.

“Masamang estudyante po ba si Gabrielle?”

Pagtataka ang siyang rumihistro kaniyang mukha.

“Of course not, Mr. Aeñoso is a good student. Napakagalang na bata—”

“Then, why? Bakit siya pinatay?!”

Samut saring bulungan ang siyang bumalot sa buong klase. Mrs. Manero looked uncomfortable now.

“Rosane, stop that!” pag-awat ni Jahm sa akin. Hindi ko siya pinansin. “You're disturbing the class.”

“M-Mabait, matulungin at matalino si Gabrielle! In short, mabuting tao! Pero bakit po siya pinatay? Bakit?! Anong kasalanan ang ginawa niya para parusahan ng ganito? B-Bakit, Ma'am Manero? B-Bakit ang kaibigan ko pa?!”

Sunod-sunod ang pagtatanong ko kahit pa nahihirapan na akong magsalita. Pilit naman akong pinapaupo nila Jorja ngunit hindi pa rin ako nagpatinag.

“Miss Beindz, what are you talking about?”

I was about to say something when we heard a knock. Nagbaba ako ng tingin, kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang aking paghikbi.

“Morning, Mrs. Manero. Can I excuse, Miss Rosane Beindz for a while? Pinapatawag ni Mrs. Alegre.”

My eyebrows furrowed. Pamilyar ang tinig na iyon. Napaangat ang ulo ko at saktong nakita kong tumango si Mrs. Manero.

“Sure, Mr. Duero,” she said and turned her gaze on me. “Miss Beindz, pinapatawag ka, you may go.”

Narinig kong nagbulungan na naman ang mga kaklase ko. Napairap ako at saka lumakad nang pagkatagal-tagal.

“You're not a turtle to walk like that,” nanunuyang turan niya. Napaangat ako ng ulo at bumungad sa akin ang matatalim na tingin ni Ohne. “Make it faster, I don't have enough time for this.”

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nauna na akong naglakad. Nung isang araw lang ay iba ang timpla niya nang harangin niya ako sa Police Station, tapos ngayon balik na naman siya sa pagiging suplado niya.

“Tss,” dinig kong sitsit niya. “You look so brokenhearted, woman.”

“You look so stupid.”

Ngumisi at binigyan niya lang ako ng masamang tingin. Mabuti at hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating kami ng principal's office. Hindi ko rin naman siyang gustong kausapin pa at naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon