Pinipilit kuhanin ni Jahm ang cellphone ngunit hindi ko siya hinayaang kunin iyon sa akin. Inilayo ko sa kanya iyon at pinagmasdan nang mabuti ang cellphone ni Gabrielle.
"J-Just... don't kill my best friend, asshole!"
Napaluha na ako nang makitang isang malakas na paghampas ng baseball bat ang tumama sa binti ni Gabrielle.
"F-Fuck!"
Kitang-kita ko ang pamimilipit niya habang nakahawak sa kanyang binti at halos magpagulong-gulong siya sa sahig. Nanlaki pa lalo ang aking mga mata nang maging sunod-sunod ang ginawang paghataw sa kaniya.
"G-Gabrielle!"
Isang paghampas sa table ang aking ginawa. Napahagulgol ako nang tuluyan. Nagpaulit-ulit ang paghiyaw ni Gabrielle sa aking tainga at ramdam na ramdam ko ang bawat sakit na kaniyang iniinda.
"P-Putangina niyo! B-Bakit..."
Napasinghot ako. Nabitawan ko ang hawak ko at saka naghabol ng hininga. Napahawak ako sa aking dibdib. Naninikip iyon bigla at parang may bumabara sa aking paghinga.
"Calm down, Rosane! Calm down! Jorja, let's bring her to the clinic! Masama na 'to!"
Agarang umiling ako kay Jahm bilang pagtanggi. Muli kong dinampot ang cellphone na nahulog sa lamesa. Naroon na kung saan natigil na sa pagsisigaw si Gabrielle.
"Magiging akin na rin si Rosane sa oras na mawala ka sa mundong ito!" siyang sigaw nung lalaking humahambalos kay Gabrielle. Nakasuot siya ng ghost mask. "Go, take your spirit in heaven!"
"E-Even if I die... S-Sane will never... be y-yours... S-She will never like you-"
Bago ko pa ulit marinig ang pagdaing niya, pinatay ko na iyon at padabog na binaba sa lamesa ang cellphone. Ramdam ako ang tensyong namumuo sa aming tatlo. Mariin akong napakuyom ng mga palad.
"Rosane..." pagtawag ng dalawa. Naroon pa ang mahihinang paghikbi mula sa kanila.
Lalong kumuyom ang mga palad ko. Napasubsob ang aking mukha sa table. Hinayaan kong humagulgol nang humagulgol ang sarili.
"Excuse me," isang tinig ang narinig ko. Natigil ako sa pag-iyak pero nanatiling nakadukdok ang mukha ko sa table. "Is there something wrong here?"
"W-Wala po, Ma'am," kinakabahang sagot ni Jorja. Sinundan pa iyon ng pagsinghot-singhot.
"Wala? Are you sure? May narinig akong nagmura mula sa inyong tatlo. Sino ang walang hiyang iyon at naisipang magmura sa harap ng hapag?"
Pasimple kong pinunasan ang aking luha gamit ang manggas ng blazer ko. Napabuntong hininga ako. Nag-angat ako ng tingin sa taong tanong nang tanong.
"Miss Beindz," usal ni Mrs. Sandoval. Mabilis na napalitan nang pag-aalala ang mukha nang masilayan ako. "Are you okay? Bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?"
Isang ngisi ang pinakawalan ko. Kinuha ko ang kahon at pinasok sa loob nito ang cellphone ni Gabrielle.
"Rosane..." naroon ang pag-aalala sa boses ni Jahm nang dumapo ang kamay niya sa aking braso. "S-Saan ka p-pupunta?"
"W-We need to report this," ani Jorja.
"What are you guys talking about?"
Hindi ako kumibo. Nagmadali akong tumakbo palabas ng Cafeteria. Marami ang tumatawag sa pangalan ko ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.
Dinoble ko ang bilis nang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa tapat ng student council office. Hindi na ako kumatok. Basta ko na lang binuksan ang sliding door at humahagos na tinungo si Ohne.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
Fiction générale"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...