20

35 4 1
                                    

I'm not yet ready to let you go, Gabrielle...

This is the day. Ihahatid na siya sa kaniyang huling hantungan. Wala sana akong balak magpakita sa libing niya ngunit naroong nakiusap si Tita Ginnie na samahan ko siya sa paghatid kay Gabrielle.

"Rosane, tapos ka na bang gumayak?" Tatlong beses na kumatok si Jorja sa pinto ng aking kwarto. "Sasabay ka ba sa amin o mauuna na kami?"

"Sasabay ako, sandali lang..."

"Hintayin ka namin sa ibaba!"

Kinuha ko ang aking backpack, sinuot ko ang sumbrelo ko at saka lumabas na ng kwarto. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan nang may marinig akong boses ng lalaki.

"Paano mo nalaman ang tinitirhan naming apartment, Ariess?" tanong ni Jahm.

"Binigay ko sa kanya. Sabi niya kase sasabay sila sa atin nina Menases at Persus," si Jorja ang sumagot.

Nang makababa na ako, dumiretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Nang matapos ako, saka ako pumunta ng sala.

"Oh, tara na!" pagyaya kaagad ni Jorja.

Tumango ako sa kaniya at nahagip naman ng paningin ko si Ariess. Ngumiti siya sa akin.

"Nasaan si Persus at Menases?"

"Nasa labas," tugon naman niya.

Napatango ako, sabay kaming lumabas ng bahay at kinandado ni Jahm ng mabuti ang buong apartment bago kami umalis.

Tumawag sila ng tatlong tricycle at sumakay kami ro'n. Sa una, sila Jahm at Jorja. Sa pangalawa, sila Persus at Menases. Sumunod naman kaming dalawa ni Ariess. Doon sana ako sa unang tricycle pero pinigilan ako ni Jorja. Masikip na raw kasi. Ang sabi ko naman, sa likod na lang ako ng driver pero hindi siya pumayag. Tingin ko nga ay kasya kami sa isang tricycle, maarte lang sila!

Hindi naman sa ayaw kong makasama si Ariess, pero kasi naiilang ako sa kanya. Parang kasing may kasama akong tuod.

"Sa Saint Paul Cemetery," sabi niya sa driver.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Ewan ko ba, parang may mangyayaring hindi maganda. I sighed.

"Are you alright?" Ariess asked.

"Oo, bakit?"

"Parang balisa ka."

"Kinakabahan kasi ako. Parang may mangyayaring masama na ewan..."

"Don't think too much. Okay?"

Tumunog naman ang hawak kong cellphone. Ito 'yung cellphone na binalibag ko kahapon sa classroom pero inayos pala ng mga kaklase ko. Binigay nila kay Jahm at humingi ng pang-meryenda.

"Yes, Tita Ginnie?"

"Nasaan ka na ba, hija?"

"Papunta na po sa Saint Paul... ito po. Papasok na po kami sa loob.."

"Sige, mag-ingat kayo. Hihintayin ka namin. Hindi ito p'wedeng magsimula ng wala ka."

Si Tita Ginnie na ang pumutol sa tawag. Tumunog ulit ang cellphone ko, mula iyon sa hindi rehistradong numero sa cellphone ko. Kinakabahan naman akong sinagot ito.

"Sino 'to?" bungad ko. Ilang segundo muna bago ito sumagot.

"Syrone," napataas naman ang isa kong kilay.

Naramdaman kong huminto na ang tricycle kaya nauna na akong bumaba kay Ariess.

"Kuya, bayad po," inabot ko ang bayad at hinintay na makababa si Ariess.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon