“Miss Beindz, always take a rest and eat some healthy foods, huh? Ayokong bumalik ka rito.”Tumawa ako ng bahagya sa ipinahayag ng doktor, gano'n din siya. Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon.
“Opo, hindi na po ako magpupuyat.”
“Inumin mo rin ang vitamins na nireseta ko sa 'yo.”
“Opo, salamat, dok.”
“Sige, maiwan na kita riyan. May aasikasuhin pa akong pasyiente. Siguraduhin mong maiinom mo ang mga vitamins sa tamang oras, hija.”
Tinanguan ko lang ulit siya. Lumabas na siya ng silid kaya naman inayos ko na ang mga dinalang gamit dito nina Jorja at Jahm.
Wala sila Jorja rito dahil pinauwi ko na sila kahapon pa. Ang alam nila bukas pa ako madi-discharge ang hindi nila alam, ngayon na ako makakalabas. Magbabayad na sana ako ng bill kanina nang malaman kong binayaran na pala ito ng tiyahin ko.
Nakaramdam ako ng inis sa ginawa niya. Hinintay ko rin itong bumalik kahapon ngunit hindi na ito nagpakita. Anong aasahan ko? Parehas silang busy ni Papa, magkapatid ngang tunay. Lahat dinadaan sa pera.
Paglabas ko ng ospital, tumawag ako kaagad ng tricycle. Nagpahatid ako sa bahay, agad akong gumayak para pumasok sa eskwelahan.
Alas otso nang makarating ako sa school. Wala ng masyadong estudyante ang nagkalat sa kung saan dahil nagsisimula na nga ang klase.
Nasa ground floor na ako ng building namin nang makasalubong ko si Aven. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
“You're late,” untag niya. Gaya nung nakaraang linggo, may nakasuksok na lollipop sa bibig niya.
“Ngayon lang,” saad ko. Inayos ko ang magulo kong buhok. Nakalimutan ko pa lang magsuklay. “Bakit nasa building ka namin?”
“Napadaan lang ako. Bakit masama?”
“Nagtatanong lang ako,” pinandilatan ko siya. “Akyat na ako sa room ko.”
“Sandali,” pigil niya.
“Bakit?”
Inikot niya ang buong paningin sa paligid, tinitingnan kung may ibang taong nakatingin sa amin.
“Magsisimula na tayo,” nakangising saad niya. “Ano, game?”
My eyebrows furrowed. “Ano? Sinasabi mo?”
“Magsisimula na tayo sa plano natin,” hindi matanggal ang ngisi sa labi niya. Ginulo niya ang buhok ko kaya bahagyang napaatras ako. “Relax! Part lang ito ng show ko.”
“Ano bang plano mo?”
“Hindi ba't may gusto sa 'yo ang killer?”
“Paano mo nalaman?”
“Hindi mo na kailangan malaman,” mas lumapit siya sa akin. “Unang plano, palabasin sa lungga ang killer.”
“Paano natin gagawin 'yon?”
“Give me your phone,” utos niya at inilahad niya ang kaniyang kamay. “Hurry up.”
Nagtatakang kinuha ko sa bulsa ng bag ko ang cellphone. Hindi ko pinahalatang nahihiya ako at basta na lang binigay ang barag-barag kong cellphone.
“Nice! Ilang years ang lifetime nito?” Humalakhak siya. Pinagmamasdang mabuti ang barag-barag kong cellphone. “Gumagana pa ba 'to?”
“Oo!” Inirapan ko siya. “Tempered glass lang naman ang sira n'yan.”
Umangat ang kilay niya pero naroon pa rin ang mapang-asar niyang ngisi.
“Let's take a photo, tapos ilagay mo sa story mo. Tapos i-caption mo, my new boy best friend.”
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...