35

16 2 0
                                    

Tumakbo ako papasok ng washroom matapos ang engkwentro naming dalawa ni Zyle. We're finally free and we got the closure we wanted.

Umiyak pa ulit ako, matagal bago ko napakalma ang aking sarili. Ganito ba talaga kasakit kapag ni-let go mo sa isang tao?

First suitor ko 'yon, eh. Tapos first heartbreaker ko rin, putcha!

Inayos ko na ang sarili ko, kitang-kita ang pamumugto ng aking mga mata kaya muli akong naghilamos. Nang maramdamang okay na ako, lumabas ako ng washroom nang hindi iniisip ang sasabihin ng iba.

Alam kong napapatingin ang iba sa akin dahil nga namumula ang mga mata ko gayong katanghaliang tapat.

"Rosane!"

Sumalubong si Jahm sa akin ng  mapadaan ako sa Arts Club. Maraming tao gaya ng inaasahan ko.

"What happened? Umiyak ka ba?"

"I am free now...” Nagsimulang manggilid ang luha ko pero kaagad ko ring pinigilan. "Nakausap ko na si Zyle..."

"I understand, Rosane," sinabi niya na parang alam niya na ang lahat kahit hindi ko sabihin. "Kailangan niyong dalawa 'yon. Kung para talaga kayo sa isa't isa... eh, 'di kayo pa rin ang pagtatagpuan sa huli."

Tumango ako sa kaniya.

"Oh, tubig. Stay hydrated!"

Mabilis ko namang inom ang inabot niyang bottled water. Ilang lagukan lang sa 'kin at naubos na kaagad ang laman no'n.

Inaya niya akong maupo muna para mapahinga ang katawan ko. Mabuti nga't hindi ako napapansin ng mga bisita dahil sa itsura ko.

Dumukmo ako sa table para makatulog. Ngunit hindi pa man ako nananaginip ng tumunog ang cellphone ko.

"Hellapig, where the hell are you?! We're going to perform now in any minute!"

"Putcha! Papunta na ako, sandali!" Pinutol ko ang tawag. "Jahm, magpe-perform na raw kami."

Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa Music club. Hindi ko namalayang mag-aalas dose na! Apura pa ang pag-iyak ko!

Open area ang Music Club, kaya kitang-kita ko ang mga manonood. Dinoble ko ang pagtakbo para makarating kaagad sa likod ng backstage at nadatnan kong nandoon na silang lahat.

"Oh, you are here na!" si Anjoe ang unang nakakita sa akin. Sabay-sabay na napalingon sa akin ang iba. I catch my breath.

"Where have you been, Hellapig?!"

"May kinausap lang ako," wika ko.

"The visitors are already there, get ready yourself."

Napatango ako. Naka-set up na ang mga instruments na gagamitin namin. Hinihintay na lang ang hudyat ni Mrs. Tui.

"Are you okay, Rosane?" Tinitigan ako ni Janice. Dumungaw pa ito sa mukha ko. "Umiyak ka..."

"Naghilamos ako, nagsabon ng mukha, napunta sa mata ko 'yung sabon."

"Masakit?"

Tumango ako.

"Dude, totoo? I saw you earlier! You with a tall guy... From United School, I guess? I'm not sure!" siyang turan ni Nikko. Pinapatunog pa nito ang hawak niyang drumsticks habang nagsasalita. "You're crying earlier."

Kunyaring hindi ko narinig ang sinabi niya. Naramdaman kong may isang pares ng mata ang nakamasid sa akin. Hindi nga ako nagkamali, nanunuring nakatingin sa akin si Gariel.

I breathe slowly. Nagkaroon tuloy ako ng sipon dahil sa kakaiyak. Bumibigat pa ang talukap ng mga mata ko.

"Let's welcome... Gariel's Band!"

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon