Hi Crush!
Saturday class ulit natin ngayon. Lunch break na at nakita kita sa harap ng school. Patawid kami ng mga classmates ko papunta sa pwesto mo. Sobrang saya ko na naman kasi nakita ulit kita.
Tinuro pa nga kita sa mga classmates ko eh. At ayun nung sinabi ko sa kanilang crush kita nag-ingay na sila. Nilalakasan nila boses nila pag tinatanong nila ako kung ikaw ba yung crush ko tapos tinuturo ka pa nila. Ganito oh...
"Isabelle sino nga yung crush mo? Yan ba? Yun bang paparating dito?"
"Oo nga Isabelle yan bang naka-color black na tshirt ha?"
Ganyan! Ganyan sila hindi ka-obvious! Huhu. Nakakahiya! Ewan ko kung alam mo na pero sana hindi pa, baka itakwil mo ako eh. Huhu.
Yung isa kong classmate lumapit sa 'yo at sinukat ang height mo. Nakakahiya talaga. Ang ingay niya pa habang sinusukat yung height mo.
"Isabelle, halos kasing tangkad mo lang yung crush mo. Tignan mo oh."
"Omg. Shh... Wag kang maingay baka marinig ka." bulong ko sa kanya. Pero inulit ulit lang niya yung sinabi niya.
Ewan ko kung napansin mo yun kasi may kausap kang lalake non. Sobrang hiyang-hiya ako dahil baka marinig mong crush kita. Pinagsisigawan kasi nila.
Paano na lang kung malaman mong crush kita? Baka mamaya iwasan mo na ako. Baka mamaya ayaw mo pala sa tulad kong Diyosa. Chos.
Ganyan yung mga kaibigan ko pag nandiyan ka nilalaglag nila ako. Mag-iingay at ipangangalandakan na crush kita. Sana bingi ka na lang para di mo naririnig yung mga kalokohan ng mga kaibigan ko.
Teka nakita ba kitang nakangiti na naman? Nako ha! Nagpa-install ka ba ng unli smile? Kasi kung oo, shems wag mo na alisin ha? Nakaka-ganda ng araw eh. Hihi.
Your stalker,
Isabelle
