Confession #30

1.8K 84 22
                                    

Hi Crush!

Isang normal lang na araw ngayon. Nandito ako ngayon sa classroom namin. Thursday ngayon at ito na yung subject ko kung saan hanggang 8:30pm pa ang uwi ko. Wow. Nice. Paano na lang ako pag-uwi ko mamaya? Baka may perberto na naman. Huhu.

Nakikinig lang ako ng mabuti sa professor ko. Pinapaalalahanan niya kami tungkol sa research na pinapagawa niya sa 'min. At ayun nga sinabi ko sa kanya na wala pa akong partner. Sabi niya 'wag daw akong mag-alala kasi may bago kaming magiging classmate. Lumipat daw dito sa schedule na 'to kasi ayaw daw ng pang-umaga. Ang arte arte naman no'n. Buti napapayag niya si Sir na mapalipat dito. Psh.

Nagsusulat lang ako sa notebook ko ng kung anu-anong pinagsasabi ni Sir. Nag-aalala ako kasi ang lakas ng ulan wala pa naman akong payong at tiyak mahihirapan akong sumakay nito mamaya. Hays.

O___O

Omg Crush! Anong oras na bakit nakita kita sa may pintuan ng room namin at nakasilip? Imagination ko lang ba talaga yun o talagang totoo? Nandito kasi ako nakaupo malapit sa may pintuan at may nakita akong gwapo na nakasilip. Uwaaah! Bigla tuloy akong kinabahan. Dinedma ko na lang kung totoo ba yung nakita ko dahil alam ko naman yung schedule mo eh. Alas kwatro pa lang out mo na.

Lumilipad na yung utak ko kaya hindi ko na alam ang pinagsasabi ng prof ko nagulat na lang ako nang biglang may pumasok sa room namin at...

"Class he's your new classmate, Ace Hernandez."

Dug dug dug...

Panaginip ba 'to o panaginip ba 'to?

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon