Confession #35

1.8K 124 29
                                    

Hi Crush!

Bakit ganon? 'Pag may gusto ka hindi ka naman gusto tapos 'pag gusto ka naman hindi mo naman gusto.

Ang gulo diba? Ganyan ka eh! Hahaha. Biro lang.

Mabilis na lumipas ang isang buwan pero ang feelings ko sa 'yo hindi pa rin lumilipas.

Naks. Whogoat. Haha. Ngayon na lang ulit ako nakapagsulat dito sa notepad ko. Sabi ko kasi titigilan na kita pero leche naman kasi eh. Kitang nagmomove-on yung tao tapos paramdam naman ng paramdam! Hustisya naman sa sawi kong pag-ibig crush!

Nitong mga nakaraang araw lagi kitang nakikitang nakangiti. Yung ngiti na parang inlove na inlove ka. Leche. Edi ikaw na masaya! Ikaw na inlove. Magsama kayo ng Bianca mo! Hmp. Nakikita ko sa mga status mo sa fb puro pag-ibig na lang yung topic. Quotes, lyrics at kung anu-ano pa basta may relate sa love. Tsk! Pati rin sa twitter puro ganun din posts mo. Tsk. Minsan nakikita kong tina-tag ka pa nung Bianca sa mga pictures niyong dalawa. Edi kayo na talaga. Psh. Ako naman 'tong si "move-on" daw pero heto nag-istalk pa rin. Nice one! Ang galing ko rin diba? Tinotorture ko lang naman yung sarili ko tsk.

Pero bakit ka ganyan? Hindi ko magawang mainis sa 'yo. 'Pag nagpopost ako ng status sa fb nila-like mo naman pati rin sa twitter ko minsan fini-favorite mo pa. Tsk. Paasa ka you know? Hahaha. Joke. Ganito pala yung nararamdaman ng iba. Nagiging mababaw yung kaligayahan pag dating sa crush. Leche. Hahaha.

Tapos ito pa yung malupit. Kanina lang bigla-bigla kang nagchachat sa 'kin. Alam mo bang aatakihin na ako sa puso ha! Ayusin mo kasi mga chat mo crush huhu. Ganito pa nga yung chat natin oh...

Ace: Isabelle, we need to do it. Yung dalawa lang tayo para walang makakita.

Isabelle: Ha? Pero bata pa ako Ace!

Ace: PFFT! LOL! HAHAHAHAHAHA. LAPTRIP KA ISABELLE!!! XD

Isabelle: Ha?

Ace: Mali yung iniisip mo. Ang ibig kong sabihin gumawa na tayo ng research natin. Diba sabi ni Sir gawin na raw yung chapter 1-3 para ma-check niya kung okay.

Isabelle: Ay oo nga pala. Sorry. Kailan? Saan? Library?

Ace: Hindi. Wag na sa library dito na lang sa bahay namin kung ayos lang sayo.

Isabelle: Sige. Ayos lang.

Ace: Okay lang ba kung bukas? 3pm?

Isabelle: Sige. Saan tayo magkikita?

Ace: Susunduin na lang kita sa room mo. Sa main building diba? 3rd floor. Room 303. History class mo right?

Whoah Crush! Pano mo naman nalaman yun? Tatanungin pa sana kita kaso bigla kang nag-offline. Nice one! Pero waaaait! Susunduin? SUSUNDUIN MO AKO?!!! UWAAAAH! KYAAAAH!!! Yung puso ko. Uwaaah! Crush kung nangtitrip ka, please 'wag ako! Uwaaah! Pero... Bakit mo alam yung schedule ko? As in buong detalye ha? Subject, building, room pati oras? Tapos susunduin mo pa ako sa room namin? Talaga? Uwaaaah! Leche alam mo bang nandun din sila ate Yvonne, Sharmaine at Timmy?!!! Paniguradong asar ang abot ko nito bukas. Huhu! Ang feels ko! T__T

Sabi ng puso ko, "Haba ng hair mo Isabelle!"

Pero sabi ng utak ko, "Aasa ka na naman. May ka-M.U na yun!"

Tsk. Eh anong gagawin ko? Bakit kasi kinikilig ako? Inistalk mo 'ko 'no?

Wahahaha. Joke lang. Asa pa more. Ganito pala 'pag nagkaroon ka ng crush. Parang lahat ng bagay na ginagawa niya nilalagyan mo ng malisya.

WAG UMASA NAKAMAMATAY.

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon