Hi Crush!
Lumipas ang ilang araw at naging malupit ang tadhana sa 'kin. Ang hirap mong hagilapin.
Vacant ko ngayon at nandito ako sa library. Sobrang boring hanggang sa biglang dumating yung bading kong kaibigan. Yung may crush rin sa'yo, si Timmy.
"Isabelle!!! Nakita ko si Ace!" tuwang-tuwa at kilig na kilig na sabi niya.
Ako naman biglang nabuhayan. Kung kanina antok na antok ako ngayon nagising bigla ang diwa ko.
"Saan?" tanong ko agad.
"Sa lobby. Tara punta tayo don." sabi niya at hinila ako. No choice naman ako kundi puntahan ka dahil ilang araw na kitang gustong makita. Hehe.
Nang makarating kami sa lobby. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nandon ka nga! Kaso may kasama kang babae. At kung hindi ako nagkakamali siya yung babaeng kasama mo noon nung nasa iisang table tayo dati sa lobby. Sabi ko naman sa'yo wag na kayo magpakita sa'kin na magkasama eh. Nasasaktan ako. Dinudurog niyo ang puso ko. Mga walang hiya! mga taksil!
Dejoke. Haha!
Pumwesto kami ni Timmy sa di kalayuang table mula sa inyo. Ang saya na sana kasi nakita na kita kaso mukhang ang sweet niyo. Dahil dikit na dikit ka sa kasama mong babae tapos nagtatawanan pa kayo. Nakakaselos sobra. Hmp!
"Tara alis na tayo." sabi ko kay Timmy.
"Ano ba girl kakapunta pa lang natin susuko ka na agad? Mamaya na."
"Eh kasi ang init dito." palusot ko na lang sabay paypay sa sarili ko gamit ang kamay ko.
"Mainit o naiinggit ka?"
"Pwede both?"
"Haha. Tara na nga kaimbyerna rin si fafa Ace may kalandian. Hmp! Pero daan tayo sa harap niya."
"Huh? Wag na. Nakakahiya!"
"Anong nakakahiya don? Eh daanan naman yun ah. Bawal bang dumaan?"
"Pero kahit pa ang laki-laki ng daanan bakit doon pa?"
"Basta. Tara na." sabi niya at no choice nanaman ako dahil hinila na niya ako.
Sobrang kabado ako nun dahil dadaan kami sa harap niyo! Sa harap mo!
"Wag kang lilingon sa kanya kung ayaw mong mahalata niya na may gusto tayo sa kanya." Tumango ako at sinunod ko ang sinabi niya kahit na kating-kati ako na lingunin at tignan ka.
Natapos ang araw na yon na medyo masakit ang pakiramdam ko. Specifically, ang hearty hearty ko. Iniisip ko kasi kung girlfriend mo ba yon. Ang sweet niyo eh. At ang cute niyo tignan. Oo na inaamin ko bagay kayo. Pero mas bagay kaya tayo! hmp! haha. Kulang na lang paliguan ko kayo ng mga langgam sa sobrang tamis niyo. Haha joke lang.
Pero pano na love story natin?
Your stalker,
Isabelle