Hi Crush!
Ka-chat ko sa facebook ngayon ang bestfriend ko, si Lea. Kinukwento kita sa kanya. Kung paano kita nakilala, kung saan at kailan. Magkaiba kasi kami ng University na pinapasukan. Kaya nagkahiwalay kami. Nakakamiss yung babaeng yon. Hay...
Alam mo ba sabi niya gusto ka niyang makita para pag nakita ka raw niya sisisgaw raw siya ng...
"Isabelle! Diba siya yung crush mo? Si Ace diba? Yung computer science student?"
Baliw talaga yong babaeng yon. Yun daw ang sasabihin niya pag nakita ka niya at kasama ako. Hays. Kaya crush wag kang magpapakita sa bestfriend ko ah. Nako delikado rin yon. Kung malakas ang trip ng mga classmates ko mas malakas naman ang trip ng bestfriend ko at isa pa malakas din ang boses non.
Isang normal lang na araw ngayon. Hindi kasi kita nakita. Pero dahil nagfafacebook naman ako ngayon. Hahanapin na lang kita sa fb.
"Hoy bruha anong ginagawa mo?" tanong ng bestfriend ko sa chatbox namin. Sweet niya noh? Bruha raw! XD
"Hinahanap ko fb ni Ace."
"Pano? Diba Ace lang yung alam mong name sa kanya. Hirap maghanap ng first name lang noh lalo na't maraming Ace sa mundo."
"Wala akong paki. Bleh!"
Hinanap nga kita sa facebook. Nagtry din akong magsearch sa mga friends ko na ka-schoolmate natin kaso wala eh. Hindi kita makita. Sumakit na mata ko kakahanap ng fb mo pero wala talaga eh. Hmp. Bukas aalamin ko full name mo. Wait ka lang. Magiging friends din tayo...
Sa fb!
And soon to be lovers. Hahaha.
Pero wait! Shet! May nakita akong Ace! Tapos nag-aaral din sa Addison University!
Susuko na sana ako non kung hindi ko lang nakita yung school na nakalagay. Agad-agad kong inopen yung account na yon. Ini-stalk ko pa yung mga pictures niya kasi naman anime yung profile picture.
Kaso nga lang...
Hindi pala ikaw yon. May nakita akong mukha ng isang lalake sa profile niya. Puro selfies niya. T__T Sadyang kapangalan mo lang at ka-school lang natin. Hays!
Ano kaya ang facebook mo? Mahilig ka kayang mag-selfie? May ka-relationship status ka na kaya? Marami ka kayang likers? Jejemon ka kaya? Gangster? Bhoszx Ace mapagmahal ik4w l4ng sap4t nuah? Pfft hahaha! O tahimik ka lang sa facebook?
Haay... nakakapagod namang hanapin yung facebook mo. Uso ba sayo yun? O naka-friendster ka pa rin? Lol. Hahaha!
Your stalker,
Isabelle