Hi Crush!
Teka dapat pa ba akong magsulat nito? Diba break na tayo?
Charot. Pero kasi kagabi ko pa nasa isip yung Heart note mo. May babae kana palang gusto. Aww. It hurts.
Nakwento ko na kay Lea kagabi tapos kanina namang lunch break kinuwento ko kayla ate Yvonne na 'wag na silang umasa pa na mapapansin mo ako. Sabi nila kaya pala ako mukhang zombie kanina habang naglalakad. Grabe sila. Ang sama. Kita nilang broken hearted yung tao tapos mang-aasar pa hays.
Sabi pa nga nila siguro maganda yung B mo na yun. Unlike daw sa 'kin na mukhang zombie. Ang laki ng eyebags. Ganito ba nagagawa ng pagkakaroon ng crush? Hindi ako masyadong nakatulog kagabi eh. Langya. Pakiramdam ko tuloy nakipag break ka sa 'kin. Sabi pa nga nila ate Yvonne daig ko pa raw ang may jowa na hiniwalayan kung makapag-emote ako. Sorry naman. Pero alam mo hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend kaya hindi ko alam kung ano yung pinagsasabi nila ate Yvonne sa mga relationship na yan. Never in my entire life na nagkaroon ako ng boyfriend.
Ay meron pala! Minsan boyfriend kita...
Sa panaginip ko. Hahaha.
Kaya maswerte ka at ikaw lang ang gusto ko. Naisip mo yun? Sa dinami-rami ng nanliligaw sa 'kin lahat sila binasted ko para lang sa 'yo. Si Chanyeol? Oo binasted ko yun. Si Jungkook? Si Hongbin? Si Lee Minho? Si James Reid? Si Daniel Padilla? Lahat yun binasted ko...
Sa panaginip ulit. :(
Hahahaha. Asa naman daw ako. Pero seriously. Marami na akong naging crush pero ewan ko ba kung bakit na-stuck ako sa 'yo. Dati naman hindi tumatagal ng isang buwan yung pagkakaroon ko ng crush. Pero bakit ikaw? Bakit sa 'yo halos three months na yata? Hays.
Pumunta na lang ako sa isang coffee shop na malapit sa school. Wala pa kasi yung next kong klase which is 05:30pm to 08:30pm pa. Oo nakakaasar nga eh. First time kong magkaroon ng klase hanggang alas otso ng gabi. Nakakainis! Ano naman kayang sasakyan ko nito mamaya pauwi? Baka mamaya wala ng bus o jeep na masasakyan. Alangan namang mag taxi ako eh nagtitipid nga ako para sa future natin eh este para sa concert ng Exo.
Alas kwatro pa lang ngayon kaya naman tatambay muna ako dito sa coffee shop na 'to. May wifi kasi rito at ang ganda ng lugar na 'to. Nakakatuwa lang kasi ang cute ng mga designs sa loob ng shop. Konti lang din yung mga tao rito. Halos lahat nga mga schoolmates natin. Yung iba nagbobonding, yung iba may ka-date, yung iba gumagawa ng assignment tulad ko. Ang sipag ko 'no? Yung next ko kasing subject may pinaparesearch. At alam mo ba sa sobrang sipag ko ngayon pa lang ako gagawa. Ang galing ko diba? Sipag-sipag ko talaga. Paki puri nga yung kasipagan ko.
Umorder lang ako ng chocolate cake with almonds. Naaalala ko kasi na ito yung favorite mo so gusto kong itry kung masarap nga.
Nilabas ko na yung laptop ko at nagsimula na akong gumawa ng assignment ko. Ang loner naman ng dating ko rito. Sila ate Yvonne kasi umuwi na eh. Maaga ang uwian ng mga yun. Unlike me na hanggang 08:30pm lagi tuwing Thursday. Huhu!
Infairness masarap pala ang chocolate cake with almonds samahan mo pa ng ice coffee. Pero alam mo ba? Ngayon ko lang napansin na nang-aasar 'tong shop na 'to. Ace Coffee Shop ba naman kasi yung pangalan nito? Sino ba namang hindi maasar? Hay. Kita mong broken hearted pa ako sa 'yo eh. Tsk. Pero ang totoo niyan? Dito talaga ako pumunta kasi nakita ko yung "Ace" sa labas. Agad na tumibok ng mabilis yung puso ko.
Korny! Nyahaha!
Habang nagtatype ako sa laptop ko ewan ko ba kung ano'ng sumagi sa isip ko at napatingin ako sa mga taong papasok pa lang ng coffe shop na 'to.
O__O
Omg Crush!!! Bakit ka nandito? Don't tell me ini-stalk mo 'ko?
Chos. Kapal. Pero sino naman kaya yung kasama mong babae? Ngayon ko pa lang siya nakita. Hindi ko naman siya namumukhaan sa school. Ang ganda! Super. Ang chicks ng dating! Ang puti. Straight na straight ang kulay brown na buhok. Ang ganda ng balat sobrang puti at kinis. Grabe ang perfect. Mukhang Diyosa! Lalo na at katabi mo siya. Perfect na perfect kayong tignan. :(
At perfect na perfect din na durog na durog na yung puso ko. Aww. Sino kaya siya? Siya na kaya yung sinasabi mong B mo? Bakit ang sweet niyo tignan? Bakit?
Bakit ang...
Ang sakit ng...
Mga daliri ko kaka-type! Bwahaha! Dejoke pero ang sakit niyo sa puso tignan lalo na nung nakita ko yung isa mong kamay na naka-hawak sa likod ng babaeng kasama mo. Aww. Laslas na.
Your stalker,
Isabelle