Hi Crush!
Lumipas na ang isang linggo at hindi na kita nahagilap pa sa school. Hindi na kita nakikita lagi. Huhu. Matapos yung heartbreak ko nung nakaraang Thursday ngayon may another heartbreak pa pala? Bakit kaya hindi na kita nakikita sa school? Bakit pati sa facebook hindi ka na rin masyadong nagpopost ng status? Kahit din sa twitter. Huhu.
Ano na kayang nangyari sa 'yo? Ano na kayang balita sa 'yo? Humihinga ka pa ba? Gusto mo ba ng CPR ko? Pfft. Hahaha. Joke!
Lumipat ka na kaya ng school? Doon ba sa school ng B mo na yun? O lumipat ka kasi ayaw mo na akong kasama? Kasi ayaw mo na akong makita? Kasi ayaw mo na sa relasyon nating dalawa!
Joke. Assuming attack. Pfft.
Pero seryoso, saan ka kaya pumunta? Wala ka naman lagi sa lobby pati sa library. Sa gym hindi rin kita makita. Pumunta na rin ako sa rooftops ng bawat building wala rin.
Palagi na lang akong naghahanap sa 'yo. Kailan naman kaya darating yung araw na ikaw naman ang maghahanap sa 'kin?
Hindi ko talaga makakalimutan yung nangyari sa akin nung last Thursday.
Unang-una nakita kitang may kasama kang ibang babae. Take note. Bagong babae. Pangatlo na yata siya? Waah! Crush naman bakit ang daming babaeng nakapaligid sa 'yo? Nakakaselos kaya. You know?
Pangalawa yung subject ko na hanggang 8:30pm may binigay na final project. Nakakaloka nga eh final project agad? Eh kakasimula pa lang ng prelims eh. Tsk. Tapos ayun nga kailangan gumawa ng research paper ng by partner eh ang nakakainis pa wala naman akong makapartner kasi lahat sila may partner na, ako lang talaga ang wala. Kainis.
Tapos pangatlo nung pauwi na ako may matandang creepy na sumusunod sa akin habang naglalakad ako sa labas ng school. Ang creepy ng mukha niya. Mukha siyang rapist! Nakakaloka! Nakakatakot pa naman yung daanan kasi ako lang yung naglalakad do'n pati yung matandang creepy! Shitzu!
Pero alam mo ba 'wag kang mag-alala hindi naman niya ako nasaktan. Nagpapasalamat nga ako do'n sa naapakan niyang babasagin na bote eh ayan tuloy nadulas siya and the next thing I knew hindi na siya nakasunod sa akin bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Grabe talaga takot na takot ako sa kanya. Alam mo bang ang FC niya? Aba kinausap niya pa kaya ako. Sabi niya pa ganito oh...
"Psst! Hi Baby! Mag-isa ka lang ba? Gusto mo iparamdam ko sa 'yo ang langit?"
Aba putspa! Ang sarap lang sipain ng kinabukasan niya nang matikman niya yung impyerno. Kajirits. Kita niyang obvious na obvious na nag-iisa lang ako. Napaka-forever alone ko na nga eh. Halos kulang na lang magsuot ako ng placard na, "OO NA AKO NA MAG-ISA! TANTANAN NIYO NA AKO! WALANG FOREVER!"
Kulang na lang maglagay ako niyan habang pumapasok sa school tapos magtatanong pa siya ng gano'n? Saka "Hi Baby?" at kailan ko pa siya naging tatay? Baby raw eh. Err! Nakakadiri pa yung sinabi niya sa huli. Langit? Ipaparamdam daw niya sa 'kin? Inirapan ko lang yung matandang hukluban na mukhang perberto (pervert) nakakainis talaga!
Mabuti na lang talaga at nakauwi pa ako ng buhay. At eto pa ang malupit pag-uwi ko ng bahay nakita ko lang naman ang asungot ng buhay ko. Kainis talaga! Hindi ako makapaniwalang sa bahay namin siya titira pansamantala, yung kababata ko rati---Si Jerson! Nakakainis talaga ang sarap niyang ipatapon sa bermuda triangle.
Alam mo kasi Crush, si Jerson matagal na yun patay na patay sa 'kin minsan nga ang sarap niyang isako tapos ipatapon sa pacific ocean.
Pero biro lang. Hehe. Ang bait bait ko kaya... 'pag tulog. Harhar!
Naiinis ako sa kanya kasi gustong-gusto siya ni Mama para sa 'kin. Gano'n din ang parents niya sa 'kin. Parang gusto yata nila na kami ang magkatuluyan. Minsan nga pinag-uusapan na nila yung mga iimbitahan sa kasal namin. Nakakaloka! Kasal agad? Hustisya!
At alam mo ba? Sa tuwing magkasama kaming dalawa, feeling niya pag mamay-ari na niya ako. Nakakainis kaya. Pano ba naman, text nang text sa 'kin ng mga dapat kong gawin. Kada-umaga itetext niya ako ng mga kung ano-ano tulad na lang ng...
"Good morning Isabelle! 'Wag tulog mantika. Gising!"
"Kumain ka na ba? Kumain ka na wag kang papagutom."
"Bangon na. Huy! Tanghali na."
"Maligo ka na ang baho mo na abot dito sa bahay."
"Hoy bakit hindi ka nagrereply? May katext ka bang iba?"
"Oy uwi na. Wag harot."
"San ka galing? Nakipag-date ka no? Sabi ni Mama ang tagal mo raw umuwi. :("
"Mama." Tawag niya rin sa Mama ko. =__=
"Kita tayo soon. Baka namimiss mo na ako. ;)"
Shiz! Ano ba tingin niya sa 'kin? Mukha ba akong tanga? Bobo? Na hindi ko alam ang mga dapat gawin? Nakakainis talaga! Feel na feel niya masyado yung mga texts niya sa akin eh.
Dati naman okay kami eh, nung panahon na hindi pa siya nagtatapat sa akin pero nung nagtapat na siya, nakaramdam ako bigla ng inis. Pano kasi napaka-stalker niya. Lahat ng bagay tungkol sa 'kin alam niya. Lahat ng bagay tungkol sa 'kin dapat alam niya. Lahat dapat sasabihin ko sa kanya.
Minsan nga nung highschool pa kami sa tuwing papasok ako sa school nasa tabi ko na pala siya. Lagi niya akong sinasabayan sa pagpasok pati sa pag-uwi ko nakabuntot din siya. Nakakainis! Lahat dapat ng gagawin ko dapat alam niya. 'Pag hindi ko kasi sinabi magagalit siya, magtatampo siya. Hello eh hindi ko nga siya boyfriend eh pero kung umasta siya akala mo talaga pagmamay-ari niya ako.
Akala ko rati nakakatuwa magkaroon ng admirer, yung tipong kikiligin ka pero hindi pala lalo na kung katulad niya na umaabot na sa point na nagiging stalker na siya. Ayoko kasi yung nasasakal ako. Ayoko yung may umaasta na parang akala mo boyfriend ko siya, ayoko yung feeling niya may "kami" kahit hindi naman at kahit wala naman.
Pero na-realize ko ako rin pala stalker mo. 'Pag nalaman mo kaya yung mga ginagawa ko maiinis ka rin? Magagalit ka rin ba sa 'kin? Siguro oo. Kasi ako naiinis lang ako sa kanya kasi masyado siyang stalker at isa pa hindi ko naman siya gusto pero kung sakaling gusto ko rin siya, siguro matutuwa ako sa mga efforts niya at siguro rin kikiligin ako sa mga ginagawa niya kaso hindi eh. Nasasakal kasi ako sa kanya. Sorry Crush kung masama ako sa paningin mo. Pero ayoko talaga ng gano'n eh.
Ako kaya? Posible kayang matuwa ka sa mga ginagawa ko dahil gusto mo rin ako? O maiinis ka dahil stalker mo ako?
Itigil ko na kaya ang pag-i-stalk ko sa 'yo? Tutal may B ka naman na eh. Tutal may mahal ka na palang iba. Matagal na pala akong huli dyan sa puso mo.
I am just a stranger to you, a non-existent creature in your amazing world.
Hashtag medyo hugot.
Your stalker,
Isabelle
