Confession #8

3.1K 120 19
                                    

Hi Crush!

Yes! Saturday class ulit ngayon ang pinaka-inaasam-asam kong araw at favorite day ko dahil lagi kitang nakikita. Haha. Kahit sobrang aga ng klase ko pinagtiyatiyagaan ko dahil alam ko na makikita kita. Iniisip ko na lang na ikaw ang reward ko kapag pumasok ako. Mwahaha!

Kasama ko na naman yung mga maiingay kong classmates! Classmates ko lang sila tuwing saturday. Nalulungkot ako kasi hindi pa kita nakikita ngayon pero kung sinuswerte ka nga naman oh!

Nung papunta na kami sa lagi naming kinakainan nakasalubong ka namin na palabas ka na sa eskinita. At yung mga kaibigan ko todo sabi ng...

"Isabelle diba yan yung crush mo?!"

Alam kong malakas ang pagkakasabi nila non. Hays... Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa 'yo. Yan na talaga ang trip ng mga classmates ko sa'kin. Na kapag makakasalubong ka namin, magpapapansin sila sa'yo. Hays! Minsan gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Minsan gusto ko na lang maglaho kapag nag-iingay sila. Imbis na pagtakpan nila na crush kita, pinangangalandakan pa nila. Huhu!

Sayang nga eh dahil tapos ka ng kumain no'n kasi palabas ka na ng eskinita. Ililibre sana kita. Ililibre kita ng candy! Para sweet! Oh diba wag ka nga. Hindi ako kuripot! Atleast sweet binigay ko sa'yo! Pero kung gusto mo ng unli sweetness nandito lang naman ako. Bwahaha!

Kinikilig ako kasi nakita na naman kita. Pakiramdam ko automatic akong napapangiti kapag nakikita kita. Nakakahawa yata yang ngiti mo eh.

Ganito talaga yata kapag nagka-crush ka, kahit simpleng bagay lang na may naganap sa inyo ng crush mo kinikilig ka na.

Kagaya ko. Simpleng pag-ngiti mo lang nakakakilig na. Paano pa kung para sa'kin yung ngiting yon edi nahampas na kita sa kilig ko! Kaya lumayo ka sakin kapag kinikilig ako sayo ha? Baka mabugbog kita eh! Hahaha!

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami ng school pero omg! Bago kami makalabas sa eskinita na pinagkitaan natin kanina nakita ka na naman namin na pabalik sa pinanggalingan namin. Bakit kaya babalik ka na naman do'n? Eh kainan lang naman ang meron do'n? Babalikan mo kaya ako? Hehe asa naman ako. Baka naman nando'n yung girlfriend mo. :(

Yung mga classmates ko todo sigaw na naman ng "Isabelle diba yan yung crush mo?" Eh hindi ba nila alam na ikaw lang yung nando'n sa eskinita na yun o nananadya lang talaga sila? Huhu.

Sa dami namin halos sakop na namin yung daan kaya sa gilid ka dumaan. Anim kami at mag-isa ka lang. Maliit pa naman yung daanan. Tinatakpan mo pa nga yung bibig mo gamit yung panyo mo. Pero napansin ko lang parang nakangiti ka. Sabi rin ng mga kaibigan ko na nakangiti ka raw at alam mo ba ang sabi nila baka nakangiti ka raw kasi alam mong crush kita. Haha baliw talaga sila tapos paasa pa. Hays.

Pero bakit ka kaya nakangiti no'n? At saka wag mong tatakpan yung mukha mo. Hello, ang pogi mo kaya!

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon