Confession #49

2.2K 150 31
                                    

3 years later...

"Oh ready na ba kayo guys? Yung groom nasan na?" Tanong ng isang lalake na abala sa gaganaping event para mamaya.

Hindi yata napansin ng kausap niya ang tanong niya kaya inulit niya itong muli. "Hoy! Nasan na si Ace? Baka maunahan pa siya ng bride ha!"

"Tsk! Ano ba naman Jack ang ingay mo naman kita mong nagbabasa ako rito eh."

"Hoy Jill  hindi ngayon ang tamang oras para magbasa ng mga kung ano-ano diyan. Nakita mo ba si Ace? Teka nga, kanino ba yang cellphone na 'yan?" Tanong ni Jack pero hindi siya pinansin ni Jill. "Hoy! Nagbabsa ka ba sa wattpad?"

"Hindi 'to wattpad pero mala-wattpad 'tong mga confessions ng isang babae. Saka lumayas ka na nga Jack! Panira ka ng momentum eh." Inis na sabi ni Jill at patuloy pa rin sa pagbabasa doon sa cellphone na natagpuan niya.

"Eh kanino ba kasi yan? Saan mo naman napulot yan? Baka ninakaw mo yan ah!"

"Lul pre! Ewan ko nga kung kanino 'to eh. Puro Ace Hernandez yung nakalagay dito sa mga confessions. Isabelle Cariño raw pangalan niya."

"Eh san mo nga kasi nakita yan?"

"Napulot ko nga kanina sa kwarto ni Ace. Baka nakaraan niya 'tong babae. Sino ba si Isabelle?"

"Leche yun si Ace ah. Hindi man lang nagkukwento na may iba pa siyang babae bukod sa B niya?"

"Hoy! Kung maka-leche ka sa'kin brad ah. Hanep ka rin parang hindi ka nakatungtong sa pamamahay namin ah." Sigaw ni Ace nang marinig niya ang pangalan niya. Lumapit siya sa dalawang yun at tumayo siya sa harap nila.

"Pinsan chill ka lang alam mo namang ganito lang tayo magmahalan diba?" Biro ni Jack.

Napansin ni Ace na hawak ni Jill yung cellphone na naiwan ni Isabelle.

"Hoy bakit nasayo yan? Pano mo nakuha yan?" Turo ni Ace sa hawak ni Jill. "Akin na nga."

"Oh ayan na. Kala mo naman nanakawin ko." Binigay ni Jill yung cellphone kay Ace. "Pero teka lang ha! Curious ako sa mga confessions na nabasa ko diyan sa cellphone ng Isabelle na yan. Sino ba siya?" Nagtaas-baba ng kilay si Jill at ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"Ikaw ah. Hindi ka man lang nagkukwento sa'ming dalawa porket ngayon lang kami nakauwi ng pinas. Naglilihim ka na samin brad." Pagdadrama ni Jack. Kakauwi pa lang kasi nila kagabi mula sa Canada at kaya lang sila umuwi dahil sa kasal na magaganap mamaya. Magkakambal sina Jack at Jill at pareho silang lalake. Wag na kayong magtaka sa pangalan nila, napagtripan yata sila ng mga magulang nila. Bwahaha.

Tumayo bigla si Jill. "Tara na nga sa simbahan nakakaumay umacting si Jack saka baka maunahan ka pa ni Bianca brad. Kasal 'to tandaan mo."

"Oo na." Sagot ni Ace.

"Pogi mo ngayon Ace ah. Wag kang kabahan sa kasal mamaya ah baka himatayin ka." Asar ni Jill kay Ace at inakbayan niya pa ang pinsan niya.

"Lul. Manahimik ka na nga Jill."

"Pero curious talaga ako kay Isabelle. Sino siya ha Ace? Maganda ba? Akin na lang!"

Tinignan ng masama ni Ace si Jill. "Tsk. Ikaw talaga puro ka pambababae. Ewan ko kung nasan siya ngayon. Wala akong balita sa kanya. Makikilala mo rin yun sa takdang panahon."

"Lola Nidora is that you?" Asar ni Jack kay Ace. Pero napa-facepalm na lang si Ace. Kahit kailan talaga hindi na nagbago yung mga pinsan niya.

"Bwahaha oo Jack siya si Lola Nidora tapos ikaw si Rogelio!" Natatawang sabi ni Jill.

"Kapal. Sino ka naman?"

"Ako si Alden. Bwahaha!"

Dinedma na lang ni Ace ang mga baliw niyang pinsan at lumabas na sila ng bahay para pumunta sa simbahan.

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon