Confession #27

2.4K 111 11
                                    

Hi Crush!

Kakatapos pa lang ng klase ko. Kainis hindi man lang kita naging classmate sa kahit anong subject. Tsaka hindi kita mahagilap ngayong araw. Saan ka kaya pumunta? Hindi tuloy kita ma-stalk. Tsaka parang kulang tuloy ang araw ko kasi hindi kita nakita. Hay. Ang drama! Haha!

Kanina kasama ko sila ate Yvonne, Timmy at Sharmaine. Gumala kami sa mall. Ayun konting kwentuhan tapos tawanan. Naikwento ko rin pala yung nangyari sa akin sa library simula doon sa panaginip ko na may humalik sa 'kin hanggang sa natamaan mo ako ng bola. Sabi nila iba na raw tama ko kasi nakakapanaginip na ako ng may humahalik sa akin magpatingin na raw ako sa doctor o di kaya dadalhin na raw nila ako sa mental. =___=

Grabe. Supportive nila masyado huhu. Tapos nung kinuwento ko yung tungkol sa pag tama mo ng bola sa 'kin sabi nila ang tanga ko raw kasi umalis agad ako dapat daw hinintay kita edi sana nagkaroon na tayo ng unang pag-uusap sa personal. Pero kasi naduduwag ako na makausap ka. Nung panahon kasi na yun kinakabahan ako paano pa kaya pag nakausap na kita baka imbis na natamaan mo lang ako ng bola mahimatay ako bigla.

Naikwento ko na rin pala kay Lea yung mga nangyari mula kagabi pa. Siya pa ba? Eh bestfriend ko yun eh. Lahat yata ng nangyayari sa 'kin ikukwento ko sa kanya. Haha. Buti nga at hindi siya nagsasawang makinig sa mga kwento ko. Mas natutuwa pa siya kasi ang romantic daw ng ginawa mo tinamaan mo raw ako ng bola. Ang sweet daw. Masaya pa nga siya para sa 'kin na natamaan mo 'ko ng bola eh. Ang brutal niya talaga huhu hindi niya ako mahal. Ajujuju. Tapos alam mo ba sinabihan niya rin akong shunga kasi dapat daw hindi agad ako umalis nung natamaan mo ako ng bola, dapat daw nag-inarte pa 'ko do'n tapos dapat daw nanghingi ako ng CPR sa'yo. Ang baliw talaga no'n. CPR agad te? Natamaan lang ng bola? Nakakaloka. Pero kaya ako tumakbo agad no'n kasi nga hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko. Kinakabahan kaya ako.

Ikaw kaya crush sa pwesto ko! Baka kabahan ka rin 'pag nakita mo 'ko este baka 'pag nakita mo crush mo. Nyahaha.

Nandito na ako sa bahay. Nakahiga at naglalaptop. At dahil wala naman akong assignment tinignan ko na lang yung twitter at facebook mo katulad ng ginagawa ko nitong mga nakaraang araw mula ng maging tayo este maging friends tayo sa fb pati sa twitter. Mehehe.

Hep! Hoy Crush hindi ako stalker. I don't stalk, I just love seeing your pictures and posts. Hihi. Charot.

Sa twitter account mo halos kabisado ko na yung numbers ng followers, following at tweets mo. Sa facebook naman alam na alam ko kung may bagong likes yung mga posts mo. Ganito na kagrabe ang pagka-stalker ko sa'yo. Ang creepy ko na. Shems!

Itapon mo na nga ako...

Sa piling mo! Hahahaha. Ayeee.

At sa kaka-istalk ko sa dalawa mong accounts, marami akong nalaman tungkol sa'yo. Favorite color mo ay black, tapos mahilig ka sa music, favorite mo yung Paramore, mahilig ka rin sa chocolate with almonds tapos favorite mo naman yung ice cream na mango flavor! At dahil dyan simula sa araw na 'to favorite ko na rin yung color black, idol ko na rin ang Paramore, uubusin ko na lahat ng tinda sa mga grocery stores na may chocolate with almonds pati yung ice cream na mango flavor tutunggain ko ng isahan sa lahat ng isang galon. Nyahaha. Joke. Super stalker ko na diba? Hashtag malala.

At eto pa pati yung mga posts mo nung nakaraang taon nabasa ko na rin. Sa kakaistalk ko nga kamuntik ko ng mapindot yung "like" doon sa mga posts mo, buti na lang talaga at hindi ko napindot kundi deads ako. Doon din sa twitter muntik ko nang ma-click yung "favorite" pati yung "retweet" waah! Nakakaloka! Ito ang mahirap sa pag-i-stalk eh baka mamaya makapindot ka ng mga bagay na hindi dapat.

Tulad nga ng sabi mo, hindi ka masyadong active sa twitter at tama ka nga akala ko kasi nagbibiro ka lang. Tinignan ko yung mga tweets mo at yung huli mong tweet eh 3 months ago pa. Kaya naman abot langit ang pagka-kilig ko kasi nang dahil sa akin binuksan mo ulit ang twitter mo. Ayeee! Kilig to the bones!

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon