Confession #24

2.2K 88 6
                                    

A/N: Dedicated kay @MarrienLavz hoho~ nakakatuwa kasi hilig nya i-quote yung mga hugot ni Isabelle. Weee~ Thank you sa mga sumusuporta nito. Heart heart puso puso!

****************************************

Confession #24

Hi Crush!

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at heto simula na ng araw para sa second semester. Nakakatuwa! Na-eexcite akong pumasok kasi makikita na ulit kita! Hay. Halo-halo ang nararamdaman ko. Naeexcite ako na kinakabahan. Excited ako kasi makikita na ulit kita pagkatapos ng higit dalawang linggo pero kinakabahan din kasi baka mamaya hindi ko alam ang gawin ko kapag nakita kita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Magpapakilala ba ako na ako yung Isabelle na inaccept mo sa fb? Magpapakilala ba ako na ako yung Isabelle na nagtext sa'yo? Magpapakilala ba ako na ako ang humingi ng favor na i-follow mo ako sa twitter? Hay... Ano na nga kaya ang gagawin ko? Ano na kayang sasabihin ko kapag nagkita tayo?

Kung sabihin ko na lang kaya na ako ang future girlfriend mo? Wahaha! Dejoke lang.

Dati lagi kong hinihiling na sana lagi tayong magkasalubong o di kaya sana lagi kitang makita sa school pero ngayon parang ayoko na yata. Ayoko ng makita ka sa school! Uwaaah! Kinakabahan kasi ako! Baka 'pag kinausap mo ako mautal-utal ako o di kaya baka bigla na lang akong mahimatay.

Nandito ako ngayon sa may locker room. Gagamit na ako ng locker since tamad ako mag-uwi ng mga gamit sa bahay. Nyahaha. Aalis na sana ako sa locker room nung mapansin ko kung sino ang katabi ko sa locker ko.

O____O

Waaah! Crush!!! Bakit ikaw? Bakit ikaw ang katabi ng locker ko? Kyaaah!!! Sinusundan mo ba ako? O tadhana na ang tawag dito?

Tinakpan ko ulit yung mukha ko gamit yung pinto ng locker ko. Baka kasi makita mo ako eh hindi ko pa naman alam kung ano ang sasabihin ko. Parang matutumba yata ako any minute. Uwaah! Crush umalis ka na! Shems! Bakit ba kabadong-kabado ako? Bakit ba parang lalabas na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito? Bakit ba pakiramdam ko nauubusan na ako ng oxygen sa katawan?

Uwah! Ang super lapit mo! Naaamoy ko yung pabango mo! Kitang-kita ko ng malapitan yung mukha mo! Tsaka bakit sabi nila magkatangkad lang daw tayo eh ang tangkad tangkad mo nga sa akin eh! Uwaaah! Mamatay na yata ako ngayon. Paki-handa naman yung kabaong ko. Color pink please!

Nakahinga ako ng maluwag nung umalis ka na sa locker room. Imagine dalawa lang tayong nandito kanina! Kyaaah!!! We are breathing the same air. We are stepping on the same floor. And we are just inches apart! Uwaaah! Kilig to the highest level na talaga ako nito!!!

Pumunta na ako sa cafeteria dahil hindi na ako makahinga sa sobrang kilig. Kailangan ko ng makakain at maiinom baka mahimatay ako bigla.

Sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko mahagilap sila ate Yvonne, Timmy at Sharmaine. Nasaan na kaya ang tatlong yun? First day na first day mag-isa lang ako sa cafeteria na kakain? Hay. Hashtag forever alone.

Pagkatapos kong umorder ng pagkain ko, naghanap na ako ng lugar na makakainan ko. At kung sinuswerte ka nga naman talaga oh.

Nakita lang naman kitang nasa kaliwa ko. Ilang upuan lang ang layo mo sa akin pero shems! Para sa akin napakalapit mo ng bonggang-bongga! Crush lapit ka pa sa'kin! Lapit pa more! Don't be shy my baby boy! Bwahaha!

Hindi ko alam kung saan ako lilingon, hindi ko alam kung saan ako titingin. Kung sa pagkain ko ba, sa mesa, sa kutsara, sa tinidor, sa pagkain mo o sa'yo. Uwaaah! Ang gwapo mong kumain! Ang gwapo mong ngumuya pati uminom ng juice. Ang gwapo mo talaga kahit na anong gawin mo!

Masaya na sana ako kaso bigla kang tinawag ng tropa mo. Pinapapunta ka nila sa table nila. Hmp! Panira ng moment. Kita nilang nagdadate tayo eh! Chos.

Sinundan ka ng mga mata ko habang naglalakad ka papunta sa mga kabarkada mo. Hay... Ang lungkot na tuloy.

Napatingin ako sa kinauupuan mo kanina at napansin kong naiwan mo yung ketchup sa mesa mo. Kaya naman pasimple ko itong kinuha. Hehehe. Mabuti at walang nakakita sa'kin.

Nilabas ko yung scrapbook ko at dinikit ko doon yung kechup na naiwan mo. Remembrance ng bagay mula sa'yo. Mwahaha.

First day na first day pinapasaya mo ako crush! Sana magtuloy-tuloy pa ito. Magiging classmate kaya kita sa isa sa mga subjects ko? Sana nga. Ay este wag na pala. Hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat kong gawin baka mahimatay pa ako sa harap mo.

Your stalker,
Isabelle

PS. Feeling ko tuloy nagholding-hands tayo kasi nahawakan ko yung kechup na hinawakan mo kanina. BWAHAHA!

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon