Confession #40

1.7K 116 26
                                    

A/N: Dedicated kay @gonzerofiveight pansin kong palagi siyang nauuna sa pagcomment pati sa pagvote. Yung tipong kaka-update ko pa lang may comment na agad siya, wala pang ilang segundo boom panis. Hahaha kabog! Mas inuuna pa raw niya 'to kesa sa COC niya. Lol! Wahahaha! Salamat!

Enjoy guys! xD

****************************************

Confession #40

Hi Crush!

Since malapit na rin naman tayong matapos sa research natin at konting push na lang pwede ng ipasa, napagdesisyonan natin na gawin na lang yung research sa isang coffee shop na katapat lang ng school. Yung "Ace Coffee Shop". Yung coffee shop kung saan nakita ko kayong dalawa ng B mo na super sweet. Hays. Pag naaalala ko yun nalulungkot ako.

Anyways, kanina pala bago tayo lumabas ng school nakasalubong natin sina Ate Yvonne, Sharmaine at si Timmy. Nung nakita nila tayong dalawa na magkasama, ramdam ko na kung ano ang tumatakbo sa mga isip nila. Iba yung mga tingin nila sa'tin eh at mas lalong iba naman yung tingin ni Timmy sa'yo parang sa mga tingin niya hinuhubaran ka na niya wahaha remember patay na patay yan sayo. Nyahaha. Pinakilala kita sa kanilang tatlo at lupaaaa gusto ko na talaga minsan maglaho na parang bula ang kulit kasi ng mga kaibigan ko, nung pinakilala kita sa kanila ganito agad ang sagot nila, "Ah, Siya diba yung ano mo..." Pinandilatan ko si ate Yvonne kasi huhuhu mukhang ipapahamak pa niya ako tapos dinatungan pa ni Sharmaine, "Ah oo yung palagi mong kinukwento na ano mo..." Jusme bakit ganyan sila? At mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Timmy, "Ah oo yung crush mo."

O____O

Halos gusto ko ng mangisay kanina doon sa kinatatayuan ko mabuti na lang binawi agad ni Timmy, "Joke. Oo siya nga pala yung partner mo sa research 'no?"

Tumango na lang ako dahil sa tingin ko naubos yung boses ko bigla. Uwaaaah. Nakakaloka talaga 'tong mga kaibigan ko. Ipapahamak pa ako eh. Ewan ko nga lang sa'yo kung naniwala ka sa mga pinagsasabi nila. Huhuhu. Ang awkward tuloy.

Kasalukuyan tayong gumagawa ng research. Dala mo yung laptop mo at dala ko rin yung laptop ko. Teka pala crush may kasalanan ka sa'kin eh. Ang tagal mo 'kong pinaghintay sa gym kanina sabi mo saglit na lang yung laro niyo. Takteng saglit yan inabot ng 10 years? Joke inabot ng isang oras ah. Lupet ng saglit mo. Hays mabuti na lang crush kita wahahaha. Harot.

Nagsi-search ka ng mga kulang natin at ako naman ang taga-type sa research natin para mas mapadali ang trabaho.

Hindi na ako nagtaka sa inorder mo kanina, yung cake na chocolate with almonds. Sabi na nga ba eh. Siyempre diba favorite mo yan? Hahaha. Ang inorder ko naman mango cake. Mukha kasing masarap yun eh. Weeee!

Nagulat na lang ako habang nagtata-type ako bigla kang lumapit sa'kin. "Isabelle, pwedeng patikim?"

O____O

Sheeeet crush! Ang manyak mo!

Magsasalita pa lang sana ako kaso...

"I mean pwedeng patikim ng cake mo?" Sabi mo at ngumiti ka pa ng mapang-asar. Uwaaah! Mukhang na-gets mo yata yung balak kong sabihin kanina. Buti na lang nagsalita ka agad kundi baka kung ano pang nakakahiya ang masabi ko.

Sasabihin ko pa namang, "PINAGKATIWALAAN KITA! TAPOS GANITO? TITIKMAN MO AKO? SARAP MONG HAMPASIN NG PAKWAN!"

Huhuhu buti na lang napigilan mo ako kundi nakakahiya talaga pag natuloy ko yun. Ang green kasi ng utak ko. Saka bakit kasi ganyan ka crush? Pwede namang linawin yung sasabihin mo, pa-suspense pa eh. Tsk.

Ibinigay ko sayo yung cake ko at tinikman mo ito. Mukhang sarap na sarap ka naman. Tsk. Mahiya ka naman crush, kalahati na lang oh. Nagtira ka pa? Ang bait mo ha. Huhuhuhu.

"Ay sorry Isabelle nasarapan kasi ako eh." Sabi mo. Ano pa nga ba. Hays. Oorder na lang ako ng bago mamaya.

Pinagpatuloy ko na lang yung pagtatatype ko pero habang nagtatype ako may kutsarang nasa harap ko na may lamang cake.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Omg crush! Bakit mo naman ako susubuan ng cake mo? Enebe nekekeheye.

Mwahahaha charot maharot.

"Tikman mo rin yung akin Isabelle, favorite ko 'to. Masarap 'to." Sabi mo at kinain ko na lang yung cake na isusubo mo sa'kin.

Dugdugdug...

Kyaaaah! Feeling ka mahuhulog na yung puso ko. Paki salo naman! Lalo na nung pinunasan mo yung dumi sa gilid ng labi ko.

O___O

Mamamatay na talaga ako ngayon sa kilig. Pwede kaya yun? May tao bang namamatay sa kilig? Wahahaha baka ako lang yata yun.

Napatingin na lang ako sa nasa likuran ko na kanina pa nagbubulungan. At omg...

O____O

Bakit nandito sila?

Uwaaaah!!! Anong katripan na naman 'to? Bakit nandito sila ate Yvonne! Uwaaah! Nakatingin sila sa'tin crush. Yung mga ngiti nila kulang na lang umabot na hanggang kalawakan. Mga ngiting tagumpay. Uwaaah. At para bang sa mga tingin nila sinasabi nila na, "Ehem nakita namin yun. Harot."

Sumenyas ako kayla ate Yvonne na umuwi na pero ayaw nila. Bumalik na lang ulit ako sa pwesto ko baka kasi magtaka ka kung bakit nakatingin ako sa likuran ko. Pasimple akong nagtext kayla ate Yvonne na umuwi na sila pero ayaw nilang pumayag. Nag-please ako sa kanila at nung nagreply na sila, "Uuwi lang kami sa isang kondisyon. Kailangan makita namin na susubuan ka ulit ni Ace ngayon. As in now na!"

Napatingin ako sa kanila at sumenyas sila na gawin ko na raw. Uwaaah! Bakit po ganyan ang mga kaibigan ko. Kaibigan ko ba talaga sila? Huhuhu.

Labag man sa aking kalooban, (naks lalim!) sinabi ko sayo na, "Eng sherep isa pa."

Hahahahaha chos hindi naman ganyan. Ganito oh, "Uhm Ace... Ang sarap pala ng cake mo. Pwedeng subuan mo pa ako ng isa."

Uwaaaah! Lupa lupa lupaaaa! Pakibura na po ako sa earth ang dami ko ng kahihiyan na nagawa huhuhu.

Napatingin ka sa'kin. Nagtataka ka siguro kung bakit gusto ko pang magpasubo sa'yo eh may kamay naman ako uwaaaah!

Pero buti na lang sinubuan mo pa rin ako. Kundi nakakahiya siguro kung tinanggihan mo ako. Uwaaah.

Pag tingin ko sa likuran ko halos mamatay na kakatawa sina ate Yvonne. Para bang sa mga kilos nila sinasabi nilang, "Yes! Mission success!"

Nakakaloka talaga sila. Ilang sandali pa ay umalis na sila. Hays mabuti naman. Pinagpatuloy na lang natin yung ginawa natin hanggang sa mag-si-six na. Buti na lang patapos na tayo.

Sinend ko sa'yo through fb chat yung gawa natin. Nakalagay kasi sa laptop ko yun. At sinabi mo na ikaw na ang mag-eedit dahil magagabi na rin.

Nung nagliligpit na tayo ng mga gamit natin biglang may pumasok sa coffee shop at lahat yata ng tao maski ako ay napatingin sa taong pumasok.

Shet! Ang ganda niyaaaa! Ang sexy! Ang puti! Ang kinis! Ang tangkad! Ang diyosa!

Sino pa nga ba kundi si...

"Bianca, bakit ka nandito? Wala ka ng klase?" Tanong mo sa babaeng... Sa babaeng mahal mo. Aww. Yan na yung B mo. Sheeet! First time ko siyang nakita ng malapitan at ang ganda niya talaga. Nakakapangliit. Nawalan ako ng kapal ng mukha este ng confidence huhuhu.

Your stalker,
Isabelle

Hi Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon