Hi Crush!
Akala ko pa naman kung ano yung something important na sasabihin mo. Akala ko magtatapat ka na ng feelings mo sa 'kin, na may lihim ka ring pagtingin sa 'kin o di kaya akala ko magpapakasal ka na sa 'kin.
Huhuhu! Akala ko lang pala. Marami talagang namamatay sa maling akala. Pero ako patay na rin ako eh.
Patay na patay sa 'yo. Ahe ahe. Hahahaha!
Ganito pa nga yung chat natin oh.
Ace: Isabelle, I need to tell you something important.
Ace: ❤
Isabelle: Hi. Ano po yun? :)
Ace: Wag mo na ako i-po. Bata pa ko. Hahaha.
Isabelle: Ay sige. Ano yung sasabihin mo?
Ace: Tungkol sa research natin. Diba ikaw partner ko?
Isabelle: Oo.
Ace: Sorry pala hindi kita nalapitan nung Thursday ah. Nahihiya kasi ako sayo.
Isabelle: Ok lng yun hehehe :D
Ace: So ano pala ang topic natin?
Isabelle: ❤
Ace: Ha?
Isabelle: Uhm ano kasi ibig kong sabihin ano yung heart na sinend mo? Bakit may heart kanina?
Ace: Ah yun ba? Napindot ko lang yun. Walang ibig sabihin yun. Sorry.
Isabelle: ah ganun ba. hehe.
Akala ko talaga...
May pagnanasa ka na sa 'kin este wala hahaha kalimutan mo na nga. Tsk. Hays. Ang green ng utak mo Crush ha!
Lol.
At ayun nga... Yan yung mga chat natin tapos yung mga sumunod puro research na yung napag-usapan natin. Hays... Tapos yung lecheng heart na emoticon leche talaga huhu. Paanong hindi ko mapipindot yun eh heaven na heaven yung pakiramdam ko habang kachat kita. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere sa sobrang bilis ng pagkabog ng puso ko. Ayan tuloy napapasend pa ako ng heart sa 'yo. Nakakaloka! Saka ano yung nahihiya ka sa 'kin? Uwaah! Bakit ka naman mahihiya sa 'kin? Girlfriend mo kaya ako! Hahahah chos.
Pero gayunpaman, subalit, datapwat! Ako pa rin ay lubos na nagagalak at kinikilig sa ideyang ikaw na naman ang unang nagchat sa ating dalawa. Hihi. Yung kilig ko abot hanggang other planet! Omg!
Kahit puro research lang ang pinag-usapan natin walang akong paki at the fact na naaalala mo naman pala ako ay talagang nagpakilig sa akin ng bongga. Tinanong nga kita kung talaga bang naaalala mo ako at sinabi mo lang na,
Ace: Oo naman, may profile picture ka kaya paanong hindi kita mamumukhaan?
-___-
Oo nga naman. Hays. Pilosopo ka rin pala crush 'no? Pero atleast feeling ko nag-eexist naman pala ako sa 'yo. Hehe. Eh kasi diba chinat mo nga ako at ikaw pa ang unang nakipag chat at isa pa atleast sa dinami-rami ng nagkakagusto sayo namukhaan mo pa ang isang stranger na tulad ko kahit nakilala mo lang ako sa text at sa facebook. O diba? Kabog! Hahaha.
Ngayon nandito ako sa library at nagreresearch mag-isa para sa research nating dalawa. Oo mag-isa! Alone! Single! Ikaw kasi eh! Ang romantic at ang sweet sana tignan kung dalawa tayong abala sa paghahanap ng mga libro na kakailanganin natin sa research parang ganito sana ang mangyayari sa 'tin oh.
*Insert mahinhin at piit na boses sa part ko* HAHAHA!
Isabelle: Uhm... Ace? Ito oh may nahanap na akong book. Ahehehe. *Bigay ng book kay Ace tapos beautiful eyes*
Ace: Okay honey. Thank you. *Kiss sa pisngi ko*
Pff bwahahahaha! Joke. Ang landi ng eksena. Hindi. Hindi. SPG na tignan. Bwahaha.
Ikaw kasi eh sabi mo may importante ka pang pupuntahan. Kainis naman. Ano naman kaya yun? Siguro makikipag-date ka sa B mo 'no? Paano ko nasabi?
Nakita ko lang naman yung status mo few seconds ago. Oo nakuha ko pang mag-fb tutal may wifi naman dito sa library.
Ace Hernandez: See you later B! I miss you. ❤
Wow. As in wow! So may date nga talaga kayo ng B mo na yun? Hays. Kajirits talaga! Inuna pa yung pakikipag-landian kesa sa pag-aaral! Boset!
Tinignan ko agad yung mga nag-comment sa status mo. Grabe wala pang ilang minuto may mga nagcomment na agad?
O___O
Sana pala hindi ko na binasa yung mga comments kasi...
Bianca Grace Lim: I miss you too! ❤
May nag-like sa comment na yun at pag tingin ko.
Ace Hernandez liked this comment.
<////3
Nagbasa pa ako ng mga comments ng mga barkada mo at sana hindi ko na rin pala binasa...
Comment #1: Ang tamis pre! Inggit ako!
Comment #2: PEGEBEG NA ITUUU!
Comment #3: PROTEKSYON! TRUST ACE! TRUST! Gumamit kayo ha!
Walanjo naman 'tong mga kaibigan mo. Yun agad nasa utak? Waaah!!! Ang green ng utak nila. Pero paano nga 'pag yun ang IMPORTANTENG gagawin niyo? Waaaah!!! Nakakaloka!
Bianca? As in B? B? Siya yung B mo?
Hashtag aray durog double kill laslas nga nga bigti!
Your stalker,
Isabelle